^

PSN Palaro

Marami naman ang makikisakay

SPORTS - Dina Marie Villena -
Isang Pinay golfer sa katauhan ni Jennifer Rosales ang nagbigay ng malaking karangalan sa bansa makaraang mapagwagian ang LPGA Tour, ang golf tournament na pinaghaharian ng mga Americans.

Kaya heto na naman ang mga politiko at panay ang sakay sa tagumpay na ito.

Malapit na ang eleksiyon at ang karangalan na ito ni Rosales ay talagang mababahiran ng politika.

Parang awa na ninyo naman! Tantanan n’yo naman ang sports. Tama na yung kahit papaano eh natatakpan ang mga hindi magandang nagaganap sa ating bansa ng mga kara-ngalang ibinibigay ng ating atleta.

‘Yun lang!
* * *
May napatunayan sa sarili si Rhyan Tanguilig. Ito ay makaraang pagharian ang 2004 Tour Pilipinas. Noong nakaraang taon, isa si Tanguilig sa pinapaborang mananalo dahil maagang nakita ang kanyang potensiyal. Hindi nagkaroon ng katuparan ito para kay Tanguilig, kaya naman bago pa man nagsimula ang Tour ngayong taon, naghanda ng husto ang batang Novo Vizcayano. Kaya lahat ng kanyang pagsisikap at pagsanay ay nagkaroon ng bunga.

Congrats sa iyo Rhyan!
* * *
Nakapanghihinayang at ang mga dating beterano at kampeon na tulad nina Carlo Guieb at Placido Valdez ay hindi nakatapos sa karera. Mabuti na lang at nakalusot si Renato Dolosa.

Mabuti pa si Arnel Quirimit. Kahit na trinangkaso na ito at halos gulapay na ay tinapos pa rin ang karera. Katunayan. pumuwesto pa sa Top 20.

Isa pang sayang ay si Henry Domingo. Ilang araw din siyang nag-overall leader pero, tulad ng mga nangyayari sa kanya sa mga nakaraang tour, laging nalalaglag pagdating sa Baguio-to-Baguio lap. Mabuti na lang at siya pa rin ang Sprint King. Talagang mahusay siya sa patag at kulang sa akyatan.

Okay na ‘yun.

Isa pa ring dapat bantayan sa mga susunod na tour ay si Lloyd Reynante.

Mahusay ang batang ito!

vuukle comment

ARNEL QUIRIMIT

CARLO GUIEB

HENRY DOMINGO

ISA

ISANG PINAY

JENNIFER ROSALES

KAYA

LLOYD REYNANTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with