^

PSN Palaro

Tambalang Dosdos-Carpio champion sa Petron beach volley

-
Binalewala ng subok nang sina Helen Dosdos at Johanna Carpio ang mahigpit na hamon ng kulang sa karanasan na sina Karla San Diego at Jackie Ann Montefrio, nang umiskor ito ng straight sets, 21-14, 21-14 upang magreyna sa 2nd leg ng 2004 Petron Ladies Beach Volleyball Championship.

Pruweba na ang opening set nang magaan itong kinuha nina Dosdos at Carpio ng Philippine Navy ngunit masama naman ang naging panimula sa ikalawang set nang higit na nagpakita ng agresibong laban ang UP tandem, para sa 6-2 bentahe at nagbanta pa sa kanilang best-of-three final sa sand-court ng Clearwater Country Club sa Pampanga.

"Pagod na rin kasi kami. Nag-isip kami ng paraan kung papaano mapapadali ang game at sosorpresahin ang kalaban," sabay na wika ng dating national volley team members.

Wala nang magaan na set plays at mabilis na returns ang isinagawa nila na naging matagumpay sa tambalan nina Dosdos-Carpio, nang muling nanalasa ang dalawa at itabla ang iskor sa 7-7.

"One-touch ball lang kami, pagbigay nila ng bola, ibinabalik agad namin," dagdag ni Dosdos. "May usapan na kami na ‘pag itinaas ko, ‘wag na nya i-set uli. Ibabalik na n’ya sa kalaban."

Nakausad ang Navy sa 12-8 at hindi na muling nakabawi sina San Diego at Montefrio.

"Hindi na sila nakapag-adjust after that kasi siguro pagod na rin sila," ani Carpio na makikihati kay Dosdos sa P10,000 premyo sa yugtong ito na suportado ng Petron at Universal Motors at Wilson bilang official ball.

vuukle comment

CARPIO

CLEARWATER COUNTRY CLUB

DOSDOS

HELEN DOSDOS

JACKIE ANN MONTEFRIO

JOHANNA CARPIO

KARLA SAN DIEGO

PETRON LADIES BEACH VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP

PHILIPPINE NAVY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with