Team Tanduay No.1 sa puso ng marami
May 3, 2004 | 12:00am
Dumating sa Maynila ang TEAM Tanduay na pang sixth overall sa team competition ng Air21 Tour Pilipinas 2004, bumaba ng dalawang hakbang sa dating pagtatapos nila noong nakaraang taon ngunit No. 1 sa puso ng marami.
"What we saw out there was pure determination of the Filipino spirit," ani Wilson Young, Tanduays chief operating officer na personal na sinalubong ang team sa pagtatapos ng 2,758.69-km odyssey sa Quirino Grandstand.
"Considering the odds, this team has made us proud. We are proud to be associated with this bunch and we are looking forward to bigger things in the next Tour."
Kagabi pinakain ni Young ng masarap na hapunan ang Rhum Riders at pinasalamatan ang bawat isa para sa "Celebrating the Filipino Spirit," na tema ng ika-150th anniversary ng Tanduay ngayong taon.
Masayang sinalubong ng mga fans ang koponan na nalaglag pa sa ika-12 na puwesto makaraang tamaan ng trangkaso ang pinatalsik na defending champion na si Arnel Quirimit.
Mula sa malayong 63rd sa individual race matapos ang Stage 3, unti-unting nakabalik si Quirimit hanggang sa makasama sa top 20 at trangkuhan ang team sa pagtatapos na nagkakahalaga ng P225,000.
Bukod kay Quirimit, ang iba pang miyembro ng Team Tanduay ay sina Reynaldo Navarro, Wilfredo Calosa, Bernie Llentada, Marcial Robosa, Saul Severino at Julie Panong.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest