^

PSN Palaro

Kings sinapawan ng Coke

-
Balanseng pag-atake at matikas na paglalaro sa krusyal na sandali ang ginamit ng Coca-cola upang pabagsakin ang Barangay Ginebra, 96-93, at iposte ang kanilang ikatlong sunod na panalo kahapon sa 2004 PBA Gran Matador Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.

Mula sa anemikong 17-puntos na performance sa kanilang 82-76 pagkatay sa Purefoods noong nakaraang linggo, nagpayanig ang high-scoring import na si Mark Sanford ng 30 puntos upang pangunahan ang Tigers, na naipadyak ang rekord sa 9-4 at napanatili ang pagkakatabla sa Alaska para sa ikalawang puwesto, tatlong laro ang pagkakahuli sa tumatrangkong San Miguel Beer (12-1) sa kanilang karera para sa 2 awtomatikong quarterfinals berth.

Subalit ang naging susi sa panalong ito ay ang kontribusyong ibini-gay ng mga lokal na Tigers, sa pamumuno nina Jeffrey Cariaso at Raffy Reavis, na siyang kumitil sa mga tangkang pagbangon ng Gin Kings.

Si Cariaso, mula sa tinamong injury sa kanang braso dulot ng aksidenteng kolisyon nila ni Sanford sa kalagitnaan ng ikatlong yugto, ay ibinuhos ang 8 sa kanyang 18 puntos sa huling 10 minuto habang si Reavis ay nag-ambag ng 11 puntos, kabilang ang split charity mula sa ika-6 na foul ni Gin Kings reinforcement Torraye Braggs may 3:26 ang nalalabi.

Matapos makipaggitgitan mula sa umpisa, ang Tigers ay nakakuha ng pagkakataong makalayo nang mawala sa laro si Braggs bunga nang pagkamit nito ng ika-5 foul sa huling minuto ng third period.

Sila ay umabante sa 83-72 may 9:04 sa laban bago ang biglaang pagratsada ng Ginebra, sa pamumuno nina Rodney Santos at Mark Caguioa, na nagtapyas sa kanilang kalamangan sa isa, 92-91 may 1:37 sa orasan.

Subalit hanggang dito na lamang ang nakayanan ng Gin Kings at kasunod nito ay nagmintis ang tropa ni Siot Tanquingcen ng 3 kabit na tira--dalawa mula kay Caguioa at isa kay Santos, habang ibinuslo ng Coca-cola ang 4 sa 8 nilang freethrow sa huling 69 segundo upang tuluyang maitakas ang tagumpay. (Ian Brion)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

GIN KINGS

GRAN MATADOR FIESTA CONFERENCE

IAN BRION

JEFFREY CARIASO

MARK CAGUIOA

MARK SANFORD

RAFFY REAVIS

RODNEY SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with