^

PSN Palaro

Tanguilig may napatuyan

-
Ang nabigong misyon ni Rhyan Tanguilig noong nakaraang taon ay naisa-katuparan na niya ngayon.

"Akin na talaga," wika ng PLDT team captain na si Tanguilig na siyang tinanghal na kampeon ng 2004 Tour Pilipinas matapos ang 17-stages at 2,758.69 kilometrong karera na nagtapos sa Quirino Grandstand kahapon.

"Napatunayan ko na ngayong kaya ko manalo," wika ng 25-gulang na PLDT team captain mula sa bayan ng Aritao, Nueva Ecija na nagkasya lamang sa fourth place finish noong nakaraang taon bagamat nagkaroon siya ng tsansang makuha ang overall.

Taas noong tinanggap ni Tanguilig ang P200,000 champion purse bukod pa sa kanyang parte sa team prize kung saan nagtapos bilang 10th place ang kanyang koponan na may P160,000 premyo. Dagdag pa dito ang kanyang panalo sa Baguio-to-Baguio stage kung saan nagsubi ito ng P25,000 bilang Killer lap champion at P10,000 stage prize.

Pumukaw naman ng pansin si Paolo Manapul ng Marsman Drysdale sa final stage ng Tour na suportado ng Summit, Red Bull, Gato-rade, Isuzu, Pharex, Lactovitale at Elixir Bikeshop kung saan dinagdagan ni Manny V. Pangilinan ang premyo para sa mananalo ng 91.2 kilometrong Criterium, na siyang nagsubi ng P50,000 bukod pa sa regular na P10,000 stage prize matapos lumikom ng 14-puntos makaraang ikutin ng 20-beses ang course sa Roxas Boulevard.

Pumangalawa si Ronald Marcelo ng Mail & More na lumikom ng 10-puntos para sa kabuuang P45,000 na stage prize, third place si Warren Davadilla ng Purefoods na may anim na puntos (P33,000), ikaapat si Carlo Jazul ng Beer na Beer (P22,000) at ikalima si Joseph Millanes ng Postmen (P11,000) na kapwa may apat na puntos.

Masaya namang tinanggap ng Postmen na pinangungunahan ng Sprint King na si Enrique Domingo na may P50,000 premyo, ang kanilang P1-million team prize habang pumangalawa ang Beer na Beer na may P500,000, at P350,000 naman sa third place na Dole kasunod ang Mail & More (P300,000), VAT Riders (P275,000), Metro Drug (P250,000), Tanduay (P225,-00), Purefoods (P200,000), Samsung (P180,000), PLDT (P160,000), Marsman Drysdale (P140,000) at Patrol 117 (P120,000).

Nagpakitang gilas naman ang bagitong rider na si Baler Ravina na nagtapos bilang 8th overall na siyang tinanghal na Rookie of the Year at nagsubi ng P50,000.

vuukle comment

BALER RAVINA

CARLO JAZUL

DRYSDALE

ELIXIR BIKESHOP

ENRIQUE DOMINGO

JOSEPH MILLANES

MANNY V

NUEVA ECIJA

PAOLO MANAPUL

PUREFOODS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with