Bitbit ang 4 na sunod na tagumpay, sasagupain ng Water Force sa tampok na sultada sa ika-4 ng hapon ang host team na Toyota Otis-Letran.
Ang Blue Eagles naman ay makikipagtipan sa Sunkist-UST sa unang laro sa alas-dos.
Galing sa 80-69 paglampaso sa Blu Star Advance kamakalawa, ang Viva ay may kabuuang 6-1 rekord na nagtabla sa kanila sa Welcoat Paints sa tuktok ng standings. Ang kanilang panalo sa labang ito ay hindi lang pansamanta-lang mag-aangat sa tropa ni coach Koy Banal sa liderato kundi magsusulong din sa kanila palapit sa pagsungkit ng awtomatikong semifinals slot.
Bagamat sa kanilang unang pagtatagpo, na naga-nap noong opening day, ay dinimolisa ng Water Force ang Knights, 77-62, tiyak na kinaka-ilangan nilang pag-ibayuhin pang lalo ang kanilang laro sa labang ito sapagkat ang huli ay magkakaroon ng karagdagang lakas mula sa mga tagasuporta nito na tiyak na dadagsa sa tahanan ng 2003 NCAA champion. (Ulat ni IAN BRION)