^

PSN Palaro

PBL Unity Cup: Homecourt advantage gagamitin ng Toyota-Letran vs Viva Mineral-FEU

-
Tatangkain ng Viva Mineral Water-FEU na ipagpatuloy ang mainit nilang pagratsada habang sisikapin ng Lee Pipes-Ateneo na masundan ang nakamit na pambuenamanong panalo sa kanilang pagsalang sa magkahiwalay na engkwentro sa pagbisita ng PBL 2004 Unity Cup sa Letran Gym ngayon.

Bitbit ang 4 na sunod na tagumpay, sasagupain ng Water Force sa tampok na sultada sa ika-4 ng hapon ang host team na Toyota Otis-Letran.

Ang Blue Eagles naman ay makikipagtipan sa Sunkist-UST sa unang laro sa alas-dos.

Galing sa 80-69 paglampaso sa Blu Star Advance kamakalawa, ang Viva ay may kabuuang 6-1 rekord na nagtabla sa kanila sa Welcoat Paints sa tuktok ng standings. Ang kanilang panalo sa labang ito ay hindi lang pansamanta-lang mag-aangat sa tropa ni coach Koy Banal sa liderato kundi magsusulong din sa kanila palapit sa pagsungkit ng awtomatikong semifinals slot.

Bagamat sa kanilang unang pagtatagpo, na naga-nap noong opening day, ay dinimolisa ng Water Force ang Knights, 77-62, tiyak na kinaka-ilangan nilang pag-ibayuhin pang lalo ang kanilang laro sa labang ito sapagkat ang huli ay magkakaroon ng karagdagang lakas mula sa mga tagasuporta nito na tiyak na dadagsa sa tahanan ng 2003 NCAA champion. (Ulat ni IAN BRION)

ANG BLUE EAGLES

BLU STAR ADVANCE

KOY BANAL

LEE PIPES-ATENEO

LETRAN GYM

TOYOTA OTIS-LETRAN

UNITY CUP

VIVA MINERAL WATER

WATER FORCE

WELCOAT PAINTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with