Ang kumpiyansang si Buenavista ay naorasan ng mabagal na 30:44.0 sa kanyang paboritong event upang pigilan ang ambisyon ng Thai na si Boonthung Srisung (31:17.20) at Taiwanese Wen Chein Wu (31:17.56). Itinatag ni Buenavista ang SEA Games record na 29:12.62 sa Hanoi noong nakaraang Disyembre.
Ginulat ni Herrera, tubong Iloilo ang mga manonood saThammasat University track and field stadium nang magrehistro ito ng mabilis na 3:53.0 at palakasin ang kanyang personal best na 4:08.82 na kanyang inirehistro nang mag-fourth place ito sa Hanoi SEA Games.
Tinalo ng patpating Ilonggo ang mga Thai runners na sina Patikarn Petsricha (3:57.09) at Yuttahajak Thonglek (4:05.74) na pumangalawa at tersera, ayon sa pagkakasunod.
Bagamat lumipat sa marathon, sinabi ni Go Teng Kok na walang talo si Buenavista sa 10,000 sa rehiyon kahit na mabagal ang kanyang oras. "We are hoping to improve our eight gold harvest in Vietnam when we host the 2005 SEA Games here."
Sa mens javelin, nakuntento na lamang sa silver medal si Danilo Fresnido sa kanyang inihagis na 65.69M makaraang daigin siya nina Qi Chen ng China na kumopo ng ginto sa kanyang 76.45m. Sa mens long jump, pumuwesto sa nakakadismayang 6th place si Joebert Delicano.
Habang sinusulat ang balitang ito, nakikipagtagisan pa sina Herrera sa 800m, Arneil Ferrera sa hammer throw at Mercedita Manipol sa womens 10,000m.