^

PSN Palaro

Buenavista,naka-gold; Herrea umagaw ng eksena

-
Nagpakitang-gilas si reigning SEA Games 10,000 meter champion Eduardo Buenavista ngunit inagaw ni steeplechase specialist Rene Herrera ang eksena nang maghari ito sa 1,500m sa Thai National Open athletics championships na ginaganap sa Bangkok.

Ang kumpiyansang si Buenavista ay naorasan ng mabagal na 30:44.0 sa kanyang paboritong event upang pigilan ang ambisyon ng Thai na si Boonthung Srisung (31:17.20) at Taiwanese Wen Chein Wu (31:17.56). Itinatag ni Buenavista ang SEA Games record na 29:12.62 sa Hanoi noong nakaraang Disyembre.

Ginulat ni Herrera, tubong Iloilo ang mga manonood saThammasat University track and field stadium nang magrehistro ito ng mabilis na 3:53.0 at palakasin ang kanyang personal best na 4:08.82 na kanyang inirehistro nang mag-fourth place ito sa Hanoi SEA Games.

Tinalo ng patpating Ilonggo ang mga Thai runners na sina Patikarn Petsricha (3:57.09) at Yuttahajak Thonglek (4:05.74) na pumangalawa at tersera, ayon sa pagkakasunod.

Bagamat lumipat sa marathon, sinabi ni Go Teng Kok na walang talo si Buenavista sa 10,000 sa rehiyon kahit na mabagal ang kanyang oras. "We are hoping to improve our eight gold harvest in Vietnam when we host the 2005 SEA Games here."

Sa men’s javelin, nakuntento na lamang sa silver medal si Danilo Fresnido sa kanyang inihagis na 65.69M makaraang daigin siya nina Qi Chen ng China na kumopo ng ginto sa kanyang 76.45m. Sa men’s long jump, pumuwesto sa nakakadismayang 6th place si Joebert Delicano.

Habang sinusulat ang balitang ito, nakikipagtagisan pa sina Herrera sa 800m, Arneil Ferrera sa hammer throw at Mercedita Manipol sa women’s 10,000m.

ARNEIL FERRERA

BOONTHUNG SRISUNG

BUENAVISTA

DANILO FRESNIDO

EDUARDO BUENAVISTA

GO TENG KOK

HERRERA

JOEBERT DELICANO

MERCEDITA MANIPOL

PATIKARN PETSRICHA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with