TAMANG IMPORTS
April 26, 2004 | 12:00am
Matapos na magwagi ang Shell Velocity kontra Red Bull, 99-86 noong Sabadoy may isang manlalaro ng natalong koponan na nagtanong sa ilang sportswriters: "Okay ba ang import namin o kailangang magpalit ulit?"
Pinatutungkulan niya si Corey Hightower na ikalimang import ng Red Bull Barako matapos sina Carlos Wheeler, Bingo Merriex, Douglas Wrenn at De Angelo Collins.
Si Hightower ay nagtala lang ng 12 puntos, anim na rebounds, apat na assists at isang steal sa 36 minuto sa kanyang unang game kung saan naungusan ng Barakos ang Talk 'N Text, 106-104. Mga locals ng Red Bull ang siyang kumamada nang husto sa larong iyon.
Noong Sabado ay nag-improve naman ang mga numero ni Hightower nang gumawa siya ng 31 puntos bukod pa sa walong rebounds, tatlong assists, isang steal at dalawang blocked shots pero natalo ang Barakos.
So, si Hightower ba ang diperensya?
Iba-iba ang pananaw dito, e.
Maliit si Hightower at guwardiya ang kanyang posisyon. Hindi siya tulad ng imports ng ibang teams na dominant rebounders. Pero okay lang yon dahil sa marami namang malalaking players ang Red Bull. Ang talagang kailangan nilang punan ay ang puwestong binakante ni Willie Miller na ipinamigay nila sa Talk N Text bago nagsimula ang Gran Matador-PBA Fiesta Cup. Wala kasing nag-step up sa position na iyon. So, si Hightower nga ang pumuno doon.
Dahil sa maliit si Hightower, okay lang sa mga kalabang teams na maglagay ng local player laban sa kanya. Hindi siya kailangang guwardiyahan ng kapwa import. Yun ang downside.
So, ang isinagot sa Red Bull cager sa parking lot ay ito: "Hindi naman yung import ang nagkulang ngayong gabi, e. Kayong mga locals ang nagkulang ng suporta sa kanya!"
Maya-mayay dumaan naman si Rensy Bajar ng Shell at kinausap din siya ng Red Bull cager. Anang taga-Red Bull: "Talaga bang 6-8 lang ang import ninyo?"
Nagdududa din kasi ang karamihan sa sukat ng bagong import ng Shell Velocity na si Jameel Watkins dahil tila mas matangkad siya sa itinakdang height limit ng torneo na 6-8.
Pero teka, sinukat naman si Watkins, e. Siya ay may taas na 6-7 7/8. So, lusot siya sa height limit. Sakto lang siya doon kung kayat hindi na puwedeng kuwestiyunin ng iba ang kanyang height. Ano yun? Pagkatapos sukatin ay tumangkad pa si Watkins?
Sa tutoo lang, ibang klase ding maglaro si Watkins. Mahahaba ang kanyang galamay at depensa talaga ang kanyang forte. Kumbagay kumuha ang Shell ng isang import na natural center na siyang kailangan talaga ng Turbo Chargers.
So parehas lang talaga ang Red Bull at Shell sa prinsipyong pinairal nila sa pagkuha ng import. Kailangan ng Red Bull ng kapalit ni Miller, kailangan ng Shell ng sentro. Nakuha nila iyon.
Sa locals na lang talaga nagkatalo noong Sabado at tila mas nais ng Shell na makapagposte ng panalo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended