Pinoy IM nagtala ng upset
April 23, 2004 | 12:00am
DUBAI--Umiskor ang giant killer Filipino International Master na si Nelson Mariano II ng malaking upset sa third round upang igupo si GM Ashot Anastasian ng Armenia upang manatili na may perpektong iskor at makisalo sa liderato sa tatlong GMs sa Dubai Open Chess Championship sa Dubai, United Arab Emirates.
Isinulong ang kanyang Kings Indian Defense, naharang ni Mariano ang pawn storm ni Anastasian, dating World Championship Candidate. Sinikap ni Anastasian na mas mataas ang rating na 2587 kumpara kay Mariano na 2416 na ma-break ang Pinoy nang kanyang ibigay ang Rook para sa Bishop ni Mariano, ngunit umatake si Mariano sa Queen-side at nagdala sa kanya na maipanalo ang endga-me nang si Anastasia ay mag-resigned sa 59th move.
Nakatabla ni Mariano sina super GM Liviu Dieter Nisepeanu (2692) ng Romania, Shkariyar Ma-medyarov (2657) ng Azerbaijan at Tamaz Gelashvili (2542) ng Georgia.
Napigilan naman ng Filipino IM na si Barlo Na-dera si GM Surya Na-nguly ng India sa draw matapos ang 34 sulungan ng English opening ni Nadera upang makisalo rin sa ikalawang puwesto sa kanilang natipong 2.5 puntos sa 22 manlalaro na pawang naglista rin ng tig-2.5 puntos.
Nakabalik naman sa kontensiyon si GM Bong Villamayor nang kanyang talunin ang FIDE Master na si A.R. Saleh Jasim ng United Arab Emirates sa 28 moves ng Reti opening ng Pinoy upang maka-tabla rin ang iba pang 28 players na pawang nagsipagposte ng tig-2 puntos.
Sa kababaihan, muling nakalasap ng pagkatalo si Cristine Rose Mariano sa kalabang si IM Chakravarth Deepan ng India.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest