^

PSN Palaro

PBL Unity Cup: Viva-FEU kontra Lee Pipes-Ateneo

-
Sisikapin ng Viva Mineral Water-FEU na maipagpatuloy ang kanilang pagragasa sa pakikipagtipan nila ngayon sa naghahanap pa rin ng unang panalong Lee Pipes-Ateneo sa pagpapatuloy ng Philippine Basketball League 2004 Unity Cup sa Pasig Sports Center

Itinakda sa ika-4 ng hapon matapos ang pagtatagpo ng Montana Pawnshop at Blu Star Advance sa dakong alas-dos, ang labang ito ay ang pagsasagupa ng dala-wang collegiate team na nagtuos sa nakalipas na UAAP Finals, ang FEU Tamaraws, na ang core ang siyang bumubuo sa Viva at Ateneo Blue Eagles, na dala naman ang pangalang Lee Pipes. Ang una ang siyang nag-wagi.

Gaya ng naturang paghaharap, ang Water Force ang liyamado at paboritong manalo sa labang ito. Sila ay nagtagumpay sa tatlo sa nakalipas nilang 4 na asignatura kumpara sa Blue Eagles na wala pang naipapanalo sa tatlo nitong laro.

Isa pa sa bentahe ng Viva ay ang pagkakaroon nito ng malalaking manlalaro, sa pangunguna ng eksplosibong si Arwind Santos, bagay na wala o kulang ang Lee Pipes at ang ebidensya nito ay kitang-kita sa mga nakalipas nilang pagsalang.

Ang Blue Eagles ay umaasa lamang sa kanilang mga shooters sa pamumuno ni Larry Fonacier. Subalit hindi ito nagiging sapat sapagkat ang kahinaan nila sa ilalim ang sinasamantala ng kanilang mga kalaban lalo na sa krusyal na bahagi ng laro. (Ulat ni I. BRION)

ANG BLUE EAGLES

ARWIND SANTOS

ATENEO BLUE EAGLES

BLU STAR ADVANCE

BLUE EAGLES

LARRY FONACIER

LEE PIPES

LEE PIPES-ATENEO

MONTANA PAWNSHOP

PASIG SPORTS CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with