San Miguel Asian 9-Ball Tour: Pananalasa ni Reyes pinigil ni Yang
April 20, 2004 | 12:00am
Napigil ang pananalasa ni Efren Bata Reyes sa San Miguel Asian 9-Ball Tour nang supilin siya ni Yang Ching Shun ng Taiwan at yumuko sa iskor na 8-11sa semifinal round $50,000 event sa Hong Kong Football Clubs sports hall.
Gayunpaman walang excuse si Reyes sa kanyang tinamong kabiguan na pumigil sa kanyang magnipikong pananalasa na 13 panalo sa circuit na nagbigay sa kanya ng dalawang leg crowns sa Singapore at Vietnam nang magpamalas ng mas mahusay na laro si Yang sa kanilang race-to-11 duel na pinanood ng nakararaming Pinoy.
Pinagsama ang suwerte at talento, tinapos ni Yang ang isang pinaka-malaking upset sa dating world champion sa pamamagitan ng kakaibang jump shot sa 19th rack, upang maisaayos ang all-Taiwanese finals para sa ikatlong korona ng yugto sa kababayang si Hsia Hui Kai.
Gayunpaman nanaig pa rin ang lakas ni Yang at tinalo si Hsia para sa korona at pangunahing premyong US$10,000 sa kanilang laban sa finals.
Kapwa naman nagbulsa ng halagang US$5,000 sina Hsia at Reyes.
Samantala, ang mga laro sa dalawang araw na event na ito ay mapapanood sa Star Sports sa Mayo 1 sa pamamagitan ng quarterfinal match sa alas-3:30 ng hapon habang ang semifinals at championship at mapapa-nood sa Mayo 2, simula alas-2 ng hapon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended