Tanduay officials tuloy ang pagsubaybay sa Rhum riders

LUCENA City, Quezon --Kahit naghihikahos ang team, patuloy ang pagsubaybay ng Tanduay officials sa aktibidades ng ginaganap na Air21 Tour Pilipinas 2004 cycling marathon.

Bawat hinihintuang town plaza na siyang finish line ng bawat yugto ay may street party na ginaganap na bahagi ng selebrasyon ng Tanduay sa kanilang ika-150th anibersaryo na tinaguriang "Celebrating the Filipino Spirit."

Si Larry Li, advertising manager ng Tanduay, ang head ng team at in-charge sa mala-piyestang pagtatapos ng bawat lap. May product samplings at videoke contest na tampok sa party bagamat walang mas bata sa edad na 18 ang pinapayagang sumali.

"Tanduay is proud to be associated with the Tour Pilipinas," ani Li. "This is but a small part which the company can play in giving something back those who patronize our products and to those who support Team Tanduay."

Sa kasalukuyan ang Tanduay Rhum riders ay nasa ikasiyam na posisyon sa team race, sa likuran ng Samsung na may five minutes at 30 seconds na pagitan para sa P1 million premyong nakalaan.

Show comments