^

PSN Palaro

Reyes lusot sa isang milagro

-
Hindi magic kundi isang milagro para kay Efren ‘Bata’ Reyes ang naging kapalaran niya sa panimula ng kanyang kampanya nang malusutan niya ang Chinese na si Fu Jian Bo, 9-8 at umusad sa quarterfinal round ng San Miguel Asian 9-Ball Tour sa Hong Kong Football Club sports hall sa Hong Kong.

Naging magaan sa Pinoy champ ang kanyang asigna-tura makaraang igupo ang Singaporean na si Pang Chian Zian, 9-2 sa first round.

Isang milagro at tila hindi makapaniwala si Reyes, na umaasinta ng kanyang ikat-long sunod ng leg title maka-raang makuha ang Singa-pore at Vietnam leg, nang bumawi ito mula sa mahig-pitang duwelo ng race-to-9 at makabangon sa hukay.

Sa katunayan ang laban ay para kay Fu matapos ma-break ni Reyes ang decider at nakawin ang 16th rack para sa 8-8 pagtatabla. Ngunit na-pressure ang Chinese cue master at nagmintis sa No.1 na nag-bigay daan sa Pinoy champ na makontrol ang laban at agawin ang panalo.

Gumanda naman ang kapalaran ng kasalukuyang world No. 1 na si Francisco Bustamante nang umusad din ito sa quarterfinals maka-raang umiskor ito ng kan-yang ikalawang sunod na 9-5 panalo makaraan daigin si Hisashi Yamamoto ng Japan at makalusot kay Wang Hua Fong ng Taiwan sa pang-umagang laban.

Hindi naman masuwerte ang dalawang Pinoy na sina Antonio Gabica at Warren Kiamco nang mabigo silang masustina ang kanilang asignatura sa first round.

Yumuko si Gabica kay Korean Park Shin Young, 9-6, habang natalo si Kiamco kay dating two-time world champion Chao Fong Pang ng Taiwan.

ANTONIO GABICA

BALL TOUR

CHAO FONG PANG

FRANCISCO BUSTAMANTE

FU JIAN BO

HISASHI YAMAMOTO

HONG KONG

HONG KONG FOOTBALL CLUB

PINOY

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with