"KOM (King of the Mountain) lang talaga ang puntirya ko kasi sa tingin ko, dun lang ako may tsansa," wika ng 26-gulang na si Feliciano, tubong Nueva Ecija ngunit pati ang 207.1 Km. karera na may dala-wang akyatin kabilang ang matarik na Tatlong Eme at halos puro zigzag na ruta, ay napagwagian nito.
"Plano ko talagang kunin yung stage. Nagbantayan kasi yung mabibigat (na riders) kaya sinamantala na namin," sabi naman ni Qui-nones na umagaw ng yellow jersey sa Samsung skipper na si Merculio Ramos sa kanyang total time na 10:44.41 na naglagay sa kanya sa no. 1 spot ng overall individual category mula sa fourth place, may 48 segun-dong layo lamang kay Alvin Benosa ng Metro Drug, ang third placer ng stage, na nasa second place na ng overall individual mula sa 17th spot.
Tinawid ni Feliciano, bronze medalists sa moun-tain bike cross country event sa nakaraang Southeast Asian Games sa Vietnam, ang finish line sa tiyempong limang oras, siyam na minuto at 21 segundo, may 1:48 minutong distansiya sa se-cond placer na si Quinones, ang naka-gold naman sa naunang nabanggit na event.
Namumuno sa overall ng KOM competition kung saan nakataya ang P50,000 na premyo, si Feliciano sa kanyang 10-puntos na inani matapos pangunahan ang dalawang KOM stretches kahapon kabilang ang Tat-long Eme at nakapasok sa top ten ng overall individual race na nasa ikalimang puwesto na mula sa 52nd place.
Tila naglaho naman na ang pangarap ni defending champion Arnel Quirimit ng Tanduay na makaback-to-back dahil sa pagbagsak nito sa 63rd place mula sa 11th spot bunga ng trangkaso kaya dalawang araw na itong may lagnat.
Pumasok ang limang bagong riders mula sa ilalim na sina Garry Apolinar ng Postmen (3rd place mula sa 29th), Metro Drug team captain Renato Dolosa (4th place mula sa 43rd), Feli-ciano at Postmen team captain Enrique Domingo (6th-place mula sa 16th).
Bumagsak naman sa 7th place ang dating overall-leader na si Ramos kasunod ang kasamahang si Emer-son Obosa mula sa second, Arnold Marcelo ng Mail & More mula sa third at Stage 1 winner na si Felix Celeste ng Vat rider mula sa 5th para kumpletuhin ang top-ten.