^

PSN Palaro

GUWARDIYA, BANTAY, YAYA

GAME NA! - Bill Velasco -
Marami ang nag-akalang hindi aasenso sa basketbol ang magkapatid na Olsen at Nash Racela. Naging sikat sila sa high school, terror sa kanilang barangay.

Ngunit maagang nakilala si Olsen bilang pamalit o back-up. Si Nash naman ay lumipat sa De La Salle, at hindi nagamit ng Green Archers.

Subalit ang ibang biyaya ay di lumalantad kaagad. Nang mapadpad si Olsen sa San Miguel Beer, pinagsikapan niyang maging starter. Ngayon, siya ay isa sa mga pamantayan sa kanyang posisyon. Si Nash naman ay maagang naging coach, at nakapagpakampeon ng Batangas Blades sa MBA. Pareho silang kilala sa PBA, at ngayon, hawak ng nakababatang Racela ang San Beda Red Lions sa NCAA.

Bagamat minaliit sila noon, di na puwedeng agawin sa kanila ngayon.

Nakita rin nila ang ilang pagbabago sa larangan ng basketbol. Noong sila’y lumalaki, uso na ituro ang iisang posisyon sa mga batang manlalaro na pasimula pa lang. Kung matangkad ang bata, gagawing sentro agad, kahit hindi pa sigurado kung gaano kataas ang kalalabasan nito.

Sa tulong ng Management Partners Group, na nag-organisa ng napakalaking Ateneo Basketball League (115 koponan sa 13 dibisyon), binuo ng magkapatid ang Racela MPG 2004 Summer

Basketball Program para sa mga batang pito hanggang 14 na taong gulang.

Ipapasa nila ang natutunan nila sa pagpapatibay ng loob, at ng inaakala nilang pinakamahalagang posisyon sa basketbol.

"The program will focus on developing point guard skills, the position Nash and I are most familiar with," sabi ni Olsen. "Too often, we’ve seen kids trained to be centers and forwards when they reach a certain height. They become under-6 feet centers or forwards, which nowadays is not going to cut it even in the varsity level."

Dagdag ni Nash, "Even if the player eventually grows up to be 6‚5 and up, possessing the skills and mobility of a guard will only make him a much more successful player."

Subalit ang magiging kaiba sa kanilang summer camp ay pati ang psychology ng batang player ay pagtutuunan ng pansin, pati na rin ang wastong pamamaraan ng pagsuporta ng pamilya sa batang mahilig sa sports. Pati ang mga yaya’t bantay ay bibigyan ng workshop para lalong magabayan ang paglago ng talino ng bata sa basketbol.

"I saw my son become more confident after he joined one basketball camp before", pag-amin ni Olsen. "I feel that this type of character development is an important goal of any program regardless of whether the child becomes a varsity player or not."

At dahil sa mahabang asosasyon ni Olsen sa PBA, makakapanood ang mga bata ng ensayo at laro ng mga PBA team, upang magbigay ng karagdagang inspirasyon.

Ang Racela MPG 2004 Summer Basketball Program ay tatakbo mula ika-17 ng Abril hanggang ika-15 ng Mayo, tuwing Miyerkules at Sabado mula alas diyes ng umaga hanggang alas dose ng tanghali sa Ateneo de Manila College Covered Courts. Ang mga interesado ay maaaring tumawag sa Management Partners Group sa 635-3257. Hanapin lamang si Jane o Vannie.

ANG RACELA

ATENEO BASKETBALL LEAGUE

BASKETBALL PROGRAM

BATANGAS BLADES

DE LA SALLE

GREEN ARCHERS

MANAGEMENT PARTNERS GROUP

OLSEN

SI NASH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with