Reyes haharap sa mabigat na hamon
April 15, 2004 | 12:00am
Nahaharap si Efren "Bata" Reyes sa mas mabigat na hamon mula sa mga talent laden field sa kanyang pagtatangka sa ikatlong sunod na leg title sa San Miguel Asian 9-ball Tour na magsisimula sa Sabado sa Hong Kong,kabilang na ang dalawang mahusay na cue masters sa host Hong Kong.
Sina Asian Games medallists Au Chi Wai at Fung Kwok Wai ay dalawa sa apat na pambatong players ng Hong Kong na tampok sa ikatlong yugto ng five-city $250,000 circuit na gaganapin sa Hong Kong Football Club sa Happy Valley.
Si Fung ay gold medalist sa snooker team event sa Busan Asian Games, habang si Au ay silver medalist sa snooker doubles bagamat hindi pa sila nakakaiskor dito sa nation-hopping series na inorga-nisa ng ESPN STAR Sports Event Management Group (EMG).
Sina Au at Fung ay sasamahan nina Thomas Wong at Dek Chiu sa two-day tournament na tatam-pukan ng 32 pangunahing players sa rehiyon.
At ito ay kinabibilangan ni Filipino Francisco "Django" Bustamante, ang kasalukuyang world No. 1 pero hindi pa nagpapakita ng impresibong laro.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended