SEABA di-dribol ngayon

Tangka ng RP-Burlington Youth Team na makabangon sa nakaka-dismayang pagtatapos noong nakaraang taon sa pagsisimula ng 4th Southeast Asia Junior Basketball Championship sa Quezon Convention Center sa Lucena City, Quezon.

Makakaharap ng Nationals ang defending champion Malaysia sa ganap na alas-12:30 ng tanghali kasunod ang Thailand kontra naman sa Singapore sa alas-3 ng hapon sa isang linggong torneo na suportado ng Burlington Socks, Healthy Options, Absolute Distilled Water, Molten, FedEx, Lifan, Accel at Philippine Sports Commission.

Isang maikli ngunit makahulugang opening ceremonies ang maghu-hudyat sa ganap na alas-10 ng umaga kung saan si POC Chairman Robert Aventejado ang panauhing pandangal.

Inaasahang dadalo din sina Quezon Governor Willie C. Enverga at Lucena Mayor Ramon Talaga.

Noong nakaraang taon, nakakadismayang 4th place ang tinapos ng RP Youth.

Show comments