^

PSN Palaro

PBL Unity Cup: Montana Jewels nagningning din

-
Sa wakas, kuminang na rin ang Jewels, subalit nanatiling tiklop pa rin ang pakpak ng Eagles.

Isang malakas na pagtatapos ang ipinamalas ng Montana Pawnshop upang burahin ang 19-puntos na pagkakabaon at maiposte ang come-from-behind 68-65 panalo laban sa Lee Pipes-Ateneo kahapon sa PBL 2004 Unity Cup sa Pasig Sports Center.

Ang panalo ay pam-buwenamano ng Jewels sa torneong ito matapos ang dalawang bigong pagtatangka. Ang Eagles ay nahulog sa 0-3.

Isang higanteng laro ang ipinamalas ni Jon Dan Salvador sa itinala niyang 17-puntos, 16-rebounds at 2 blocks subalit ang kabayanihan ay napunta sa baguhang si Bryan Tolentino na ibinuhos ang 7 sa kan-yang 13-puntos sa huling 4 na minuto para kumpletuhin ang pag-ahon ng Jewels mula sa hukay.

Sa ikalawang laro, inirehistro ni Ronjay Enrile ang kanyang bagong PBL career-high na 27 puntos upang buhatin ang Toyota Otis-Letran sa kanilang unang tagumpay, 77-68 kontra sa Blu Star Advance. (IAN BRION)

ANG EAGLES

BLU STAR ADVANCE

BRYAN TOLENTINO

ISANG

JON DAN SALVADOR

LEE PIPES-ATENEO

MONTANA PAWNSHOP

PASIG SPORTS CENTER

RONJAY ENRILE

TOYOTA OTIS-LETRAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with