^

PSN Palaro

Tour Pilipinas nasa Sorsogon na

SPORTS LANG... - Dina Marie Villena -
Umalis na kahapon ng madaling araw ang buong entourage ng Tour Pilipinas patungong Sorsogon, Sorsogon kung saan nakatakdang magsimula ang pinakahihintay na summer spectacle bikefest sa ating bansa.

Muli, may 84 siklista ang papadyak sa matinding sikat ng araw para lamang sa karangalan at siyempre sa pa-premyong naghihintay sa kanila.

Marami na ang nabago sa karera at marami na rin ang nagsulputang mga bata at mahuhusay na siklista.

Naririyan sina Rhyan Tanguilig, Santi Barnachea, Albert Primero, Merculio Ramos at iba pa.

Gayunpaman, hindi pa rin siyempre basta-basta susuko ang mga beteranong sina Arnel Quirimit na magtatangka sa kanyang back-to-back title, Warren Davadilla, Carlo Guieb, Renato Dolosa, Victor Espiritu (na ngayon lamang uli makakasama), Felix Celeste, Enrique Domingo, at Placido Valdez.

Lahat ng mga iyan ay pawang may mga marka na sa larangan ng cycling at ang iba ay pawang mga miyembro ng national team na naghahanda na rin para sa iba’t ibang kompetisyon -- mapa-international man o local.

Sa katunayan ilan sa mga siklistang ito ay darating pa lamang bukas galing sa Japan, kung saan umaasam silang makakakuha ng tiket patungo sa Athens Olympics na gaganapin sa Agosto ngayong taon.

Wala pang balita kung anong nangyari sa kanilang pagsali sa Asian cycling sa Japan, pero sigurado ako na kung nabigo man silang makakuha ng posisyon sa Athens Games ay tiyak na malaki ang maitutulong nito sa kanilang kampanya sa Tour Pilipinas.
* * *
Personal: Nais naming batiin sina Mhario Soriano Jr. at Cristina F. Isidro ng Bayside Gatid, Sta. Cruz, Laguna sa kanilang pag-iisang dibdib sa Abril 18. Pagbati mula rin kina Guding at Becky Salazar ng Pila, Laguna.

vuukle comment

ALBERT PRIMERO

ARNEL QUIRIMIT

ATHENS GAMES

ATHENS OLYMPICS

BAYSIDE GATID

BECKY SALAZAR

CARLO GUIEB

CRISTINA F

ENRIQUE DOMINGO

TOUR PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with