^

PSN Palaro

RP Cuppers 3-0 vs HongKong netters

-
Umiskor sina Johnny Arcilla at Adelo Abadia ng 7-5, 6-2, 6-3 panalo kontra kina John Hui at Asif Ismail ng Hong Kong kahapon upang ibigay sa Philippines ang 3-0 bentahe sa kanilang Asia-Ocenia Zone Group 11 Davis Cup tie sa Ynares Socio-Cultural Sports Center sa Pasig City.

Tangka ng Filipinos na ang kanilang panalo sa Hong Kong ay nagdala sa kanila sa Group 3 sa susunod na taon ang sweep ng kanilang best-of-tie kung saan sasagupa sina Joseph Victorino at bagitong si Patrick John Tierro sa reversed singles simula sa alas-10 ng umaga ngayon.

"It’s a good thing we won," pahayag ni coach Martin Misa

Makaraang walisin ng Filipino tandem ang kanilang dalawang oras na labanan na sinaksihan ng malaking bilang ng manonood.

"Our strategy is to hold our serve and neutralize the opponent’s serve," dagdag pa ni Misa, na siyang humawak ng national men’s team simula noong 1991.

Sinikap ng Hong Kong na makapagbigay ng magandang laban sa unang set, ngunit hindi naging sapat ang kanilang kakayahan upang patumbahin ang Filipinos na ginawa ang lahat ng kanilang makakaya upang maisara ang nasabing set.

"We could not convert on the crucial points in the first set," wika naman ng Hong Kong non-playing captain na si Derrik Ling. "We started badly in the second set, the players are frustrated." The Filipino players are very good. They are all-around players. They do stuff efficiently," dagdag pa ni Ling, patungkol sa mahusay na performance ni Abadia sa singles.

Matapos na mapagwagian ang unang set, ganap ng nakontrol ng Pinoy ang laban nang iposte agad ang 4-0 kalamangan bago tuluyang itiniklop ang second set kung saan hindi na nakayanan pa ng Hong Kong ang tikas ng Filipinos sa huling frame.

"We have a well-trained team and the players respon-ded well to the challenge," ani naman ni RP non-playing cap-tain Johnny Jose, na isa ring beteranong Davis Cupper.

Kinuha ng Philippines ang 2-0 bentahe matapos na mapagwagian ang opening singles noong Biyernes.

Tinalo ni Abadia si Hui Tung Yu, 6-2, 6-1, 6-3, habang kinailangan naman ni Arcilla na bumangon mula sa kanyang unang set na pagkatalo upang itakas ang 2-6, 6-1, 6-2, 6-4 tagumpay.

ADELO ABADIA

ASIA-OCENIA ZONE GROUP

ASIF ISMAIL

DAVIS CUP

DAVIS CUPPER

DERRIK LING

HONG KONG

HUI TUNG YU

JOHN HUI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with