Itoy dahil walang pondo ang Philippine Amateur Judo Association (PAJA) para makabiyahe ang kanilang mga atleta sa pinakahuling Olympic qualifying tournament.
Ito ay magaganap sa Kazakhstan sa darating na Mayo 15-16 na hangad na malahukan ng siyam na RP judokas.
"Last qualifying tournament na ito for Athens Olympic Games. Hope-fully, makapunta doon yung nine athletes natin for a chance to book an Olympic slot," pahayag ni Jaylo.
Umaasa si Jaylo na magbibigay ng pinansiyal na tulong ang Philippine Sports Commission para maipadala ang mga atleta sa Kazakhstan.
Ang mga atletang na-kahandang sumabak sa aksiyon ay pangunguna-han ni Southeast Asian Games veteran John Baylon, Helen Dawa at Gilbert Ramirez na naka-gold sa Vietnam SEA Games noong nakaraang taon.
Sa kabuuan, mayroon nang 12 atletang sasabak sa Athens Olympics at inaasahang aabot ito ng hanggang 20-atleta bago sumapit ang Agosto.