^

PSN Palaro

Pag-asa ng Pinoy judokas sa Olympics unti-unting nawawala

-
May tsansa sana ang mga RP judokas na makarating ng Olympics ngunit tila mapupunta na lamang ito sa pangarap.

Ito’y dahil walang pondo ang Philippine Amateur Judo Association (PAJA) para makabiyahe ang kanilang mga atleta sa pinakahuling Olympic qualifying tournament.

Ito ay magaganap sa Kazakhstan sa darating na Mayo 15-16 na hangad na malahukan ng siyam na RP judokas.

"Last qualifying tournament na ito for Athens Olympic Games. Hope-fully, makapunta doon ‘yung nine athletes natin for a chance to book an Olympic slot," pahayag ni Jaylo.

Umaasa si Jaylo na magbibigay ng pinansiyal na tulong ang Philippine Sports Commission para maipadala ang mga atleta sa Kazakhstan.

Ang mga atletang na-kahandang sumabak sa aksiyon ay pangunguna-han ni Southeast Asian Games veteran John Baylon, Helen Dawa at Gilbert Ramirez na naka-gold sa Vietnam SEA Games noong nakaraang taon.

Sa kabuuan, mayroon nang 12 atletang sasabak sa Athen’s Olympics at inaasahang aabot ito ng hanggang 20-atleta bago sumapit ang Agosto.

ATHENS OLYMPIC GAMES

GILBERT RAMIREZ

HELEN DAWA

JAYLO

JOHN BAYLON

KAZAKHSTAN

PHILIPPINE AMATEUR JUDO ASSOCIATION

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with