Sa taong ito, susubukan ng tatlo na makopo ang kampeonato at pigi-lan si Quirimit sa tangkang back-to-back title kasabay ng kanilang paggiya sa kani-kanilang teams para sa P1milyong premyo para sa team champion.
"Laban na tayo this year," ani Ramos, ang runner-up sa individual category noong nakaraang taon.
Magbabalik si Ramos para sa Samsung squad na kabibilangan nina Villamayor Baluyot, Ericson Obosa, Gregorio Bergonio, Joel Guillen, Dionesio Mendoza at Jun Villanueva kasama si coach Neil Barles.
Ngunit ang lahat ng mata ay nakatuon kay Tanguilig na siyang na-ging darkhorse noong nakaraang taon kung saan muntik na siyang manalo kaya pinagtulungan siya ng national team riders at nagtapos bilang fourth sa individual category
"Kundisyon ako this year kasi whole year ako nag-training," ani Tangui-lig.
Si Tanguilig ang captain ng Team PLDT na kinabibilangan nina Sher-win Diamsay, Michael Reyes, Benito Lopez, Ryan Mendoza, Johnny Dasalla at Roberto Pagala sa karerang ito na suportado ng Isuzu Phils. Corp., Pharex Multivita-mins, Gatorade, Red Bull, Lactovitale at Summit.
Isa rin sa panganib kay Quirimit si Davadilla, ang huling champion ng dating Tour na mangunguna sa bagong team na Purefoods na sasamahan nina Eusebio Quiñones, Benito Stalin, John Ricafort, Joffrey Talaver, Dominador Tacutacu at Ronnel Hualda. Ang coach ay ang ex-Samsung mentor na si Gerardo Igos habang ang dating Tour legend na si Rolando Pagnanawon ang masseur at mechanic sa 21-day race na magsisimula sa Lunes.
Lalarga ang mga siklista sa Sorsogon, Sorsogon patungong norte kung saan hihinto sa 16 key cities at dadaan sa 24 probinsiya ng Luzon na may kabuuang distansiyang 2,758.69 kms.
Ang iba pang kalahok na teams ay Tanduay, Beer na Beer, Dole, Mail and More, Metro Drug, Marsman-Drys-dale, BIR Vat Riders, DILG Patrol 117 at DOTC Postmen.