Mali nga ba ang desisyon ?
April 7, 2004 | 12:00am
Nakaka-apat na laro na ang Ginebra San Miguel mula nung alisin si Allan Caidic bilang head coach pero hanggang ngayon, di pa rin sila nananalo. Apat na sunod na talo na sila at ngayon ay kasama sa kulelat ang Ginebra.
Sayang na sayang ang team na ito kapag tuluyan itong na-eliminate ngayong conference na ito.
Napakalakas ng line-up ng Ginebra. Pati import nila eh supposed to be isa sa pinakamagaling dahil nakalaro na siya sa NBA. Kung tutuusin, nasa kanila ang pinakamatinding line-up pero bakit kaya nagkaka-ganyan ang team na ito?
Patuloy na sinasabi ng iba na mali ang desisyon na alisin si Allan Caidic sa kalagitnaan ng conference.
Marami rin ang nagsasabing di pa rin nakaka-adjust ang team kay Siot dahil hindi ito galing sa coaching staff ng Ginebra kundi sa SMB team.
May panahon pa para gumising at humabol ang Ginebra team.
Pero ang tanongkailan sila mag-uumpisa at paano?
Nakatikim naman agad ng talo si Joe Lipa sa pag-upo niya bilang head coach ng FedEx.
Mabilis kayang makaka-adjust ang mga players ng FedEx sa coaching style ni Coach Joe?
Malalaman natin....
Hitsurang magpipinetensya naman ang isa pang head coach na ito patungkol sa kanyang kapalaran sa kanyang PBA team.
Magdedesisyon ang management ng kanyang team kung ire-retain pa siya as head coach sa mga susunod na laro ng team na ito.
Mukhang mahalaga para sa kanya ang laro ng kanyang team dahil baka dito na nakasalalay ang magiging resulta ng desisyon ng mga may-ari ng team na ito.
Maging masaya kaya siya pagkatapos ng Easter Sunday? Malalaman din natin...
Plugging lang Ms. D: Tinatawagan ang mga Batch 1949 graduates ng Laguna High School, na ngayon ay Pedro Guevarra Memorial High School na, sa Sta. Cruz Laguna para sa kanilang Emerald anniversary reunion sa April 17, 2004. Ito ay gaganapin sa Robin Louis Bar and Restaurant sa Sta. Cruz, Laguna. For details, puwede ninyong tawagan sina Leonie Javier (049-8081679) at Lino Perena (6815681).
Sayang na sayang ang team na ito kapag tuluyan itong na-eliminate ngayong conference na ito.
Napakalakas ng line-up ng Ginebra. Pati import nila eh supposed to be isa sa pinakamagaling dahil nakalaro na siya sa NBA. Kung tutuusin, nasa kanila ang pinakamatinding line-up pero bakit kaya nagkaka-ganyan ang team na ito?
Patuloy na sinasabi ng iba na mali ang desisyon na alisin si Allan Caidic sa kalagitnaan ng conference.
Marami rin ang nagsasabing di pa rin nakaka-adjust ang team kay Siot dahil hindi ito galing sa coaching staff ng Ginebra kundi sa SMB team.
May panahon pa para gumising at humabol ang Ginebra team.
Pero ang tanongkailan sila mag-uumpisa at paano?
Mabilis kayang makaka-adjust ang mga players ng FedEx sa coaching style ni Coach Joe?
Malalaman natin....
Magdedesisyon ang management ng kanyang team kung ire-retain pa siya as head coach sa mga susunod na laro ng team na ito.
Mukhang mahalaga para sa kanya ang laro ng kanyang team dahil baka dito na nakasalalay ang magiging resulta ng desisyon ng mga may-ari ng team na ito.
Maging masaya kaya siya pagkatapos ng Easter Sunday? Malalaman din natin...
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended