RP cyclist pa-Japan
April 7, 2004 | 12:00am
Aalis ngayon patungong Japan ang apat na siklista para makibahagi sa Asian Cycling Championships na magiging Olympic qualifying para sa Asian countries.
Pangungunahan ni 2003 Tour Pilipinas champion Arnel Quirimit ang 4-man squad na kinabibilangan nina Enrique Domingo, Warren Davadilla at ang bagitong si Dante Cagas.
Si Dante Cagas ang pumalit sa national rider na si Bernard Luzon na naaksidente sa national tryouts ng PhilCycling kaya hindi rin ito makakasali sa Tour Pilipinas na lalarga sa Abril 15-May 2.
Ang mga medalists sa kompetisyong ito ay siyang makakasama sa Olimpiyada na gaganapin sa Athens Greece sa Agosto.
Ang apat ay sasabak sa road race ngunit si Quirimit ay sasabak din sa Individual Time Trial.
Makakasama ng mga siklista ang national coach na sina Jomer Lorenzo at Joselito Santos.
Pagkatapos ng karera, uuwi ng bansa ang apat na siklista at diretso sa Sorsogon kung saan magsisimula ang Tour sa Abril 15. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended