^

PSN Palaro

COACH AT MANAGER

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Nakaka-frustrate din para sa isang bagong coach na tulad ni Leo Austria ang pangyayaring nagtamo ng injuries ang tatlo niyang manlalaro at hindi sila naging kumpleto sa kanilang laban kontra sa nangungulelat na Sta. Lucia Realty noong Sabado.

At hindi basta-bastang manlalaro ang nagkaroon ng injury. Nagsimula ang laro nang wala sina Christian Calaguio at Ronald Tubid. At habang naglalaro naman ay nagtamo din ng sprain ang point guard na si Kelani Ferreria.

Si Calaguio ang leading local scorer ng Shell Velocity. Aba’y halos 20 puntos na kaagad ang nawala sa opensa ng Turbo Chargers. Si Tubid naman ay nagsisimula nang pumutok. Katunayan, sa huling tatlong laro ng Turbo Chargers ay palaging double figures ang kanyang naiam-bag sa scoring kung kaya’t siya ang nahirang na Player of the Week noong nakalipas na linggo.

Si Ferreria ay nag-aaverage ng halos 30 minutes per game bilang point guard. Siya ang pumuno sa pusisyong binakante ni Dale Singson na ipinamigay ng Turbo Chargers sa San Miguel Beer bago nagsimula ang Gran Matador-PBA Fiesta Cup.

Hindi agad nakagawa ng kaukulang adjustments ang Turbo Chargers sa pagkawala ng mga ito kung kaya’t naunahan sila kaagad ng Realtors. Huli na nang pumutok ang ibang locals ng Shell at kinapos na sila ng oras upang mahabol ang Realtors.

Pero okay na rin iyon. At least, naipakita ni Austria na puwede din silang lumaban kahit kapos siya sa personnel. Nakakapanghinayang nga lang dahil napatid ang winning streak ng Turbo Chargers. Matagal-tagal din namang hindi nakakatikim ng sunud-sunod na panalo ang Shell sa liga.

Well, ganoon talaga ang buhay ng coach, e. Kung ano lang ang materyales niya ay siyang pagtitiyagaan niya. Minana lang naman niya ang Turbo Chargers buhat sa Amerikanong si John Moran na siyang nagbuo ng koponang ito. Hindi naman kaagad makakagawa ng pagbabago si Austria dahil lahat ng kanyang players ay mayroong kontrata. Hindi naman puwedeng makipag-trade kaagad siya sa ibang teams dahil nagsisimula pa lang ang torneo at natural na ayaw muna ng ibang ballclubs na galawin din ang kanilang line-up.

Sanay na sanay na rin naman sa pressure si Austria. Kailangan lang sigurong ibigay ng pamunuan ng Shell ang buong pagtitiwala nito at suporta sa bagong coach para hindi naman ito mapressure.

Kasi, hindi lang naman ang coach ang siyang gumigiya sa team. Malaking bahagi din ang management dito. At sa pananaw ng karamihan ay ganoon naman ang ginagawa ni team manager Bobby Kanapi. Buo ang pagtitiwala niya kay Austria.

Sa tutoo lang, bukod sa chemistry ng mga manlalaro sa isang team, mahalaga din ang chemistry ng coach at manager. Hindi nga ba’t sa mga unang taon ng PBA, ang coach-manager tandem nina Baby Dalupan at Danny Floro ay nagbunga ng maganda upang mamayagpag nang husto ang Crispa Redmanizers.

Ito ang hindi dapat kalimutan ng mga ballclubs ngayon. Ika nga’y we must learn from history.

vuukle comment

BABY DALUPAN

BOBBY KANAPI

CHRISTIAN CALAGUIO

CRISPA REDMANIZERS

DALE SINGSON

DANNY FLORO

DIN

NAMAN

TURBO CHARGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with