84 magigiting na siklista ipapakilala ngayon

Ilulunsad ang 2004 Tour Pilipinas, ang ikalawang edisyon ang inaabang-abangang summer sports spectacle at ang 12 team captains na mamumuno sa 84 cyclists na maglalaban-laban sa April 12 hanggang May 2 event ngayon.

Ipapakilala ni Tour Pilipinas chairman Bert Lina, ang may-ari ng Air21 na siyang magtataguyod ng event at Tour organizer Lito Alvarez ang mga siklista sa publiko at media sa Air21 office sa Makati City.

Ihahayag din nina Lina at Alvarez ang team assignments at ang mga sponsors ng 84 cyclists na hinati sa 12 teams na may pitong riders.

Darating din sina Tour executive director Mar Mendoza at former champion Paquito Rivas, ang race manager at president ng Philippine National Cycling Association kasama ang dating repeat champion Cornelio Padilla Jr., ang legal at race consultant.

Pangungunahan ni 2003 champion Arnel Quirimit, na magtatangka sa makasaysayang back-to-back crown, ang mga skippers na pawang mga cream of the crop ng Philippine cycling at karamihan dito ay mga dating national riders na nanalo ng medals para sa bansa sa international arena.

Bukod kay Quirimit, ang iba pang contenders na sina Merculio Ramos, Warren Davadilla, Ryan Tanguilig, Albert Primero, Carlo Guieb, Renato Dolosa, Victor Espiritu, Felix Celeste, Enrique Domingo, Santy Barnachea at Placido Valdez.

Kabilang dito ang mga former champions--Davadilla (1998), Guieb (1993-94), Dolosa (1992-95) at Espiritu (1996). Kakarera pa rin si Bernard Llentada, ang 1991 champion na 38-gulang na.           

Naririyan din si Eusebio Quinones, nanalo ng gold medal sa mountain bike’s cross country sa Vietnam Southeast Asian Games noong December.

Sa susunod na linggo, aalis na ang 600-strong Tour entourage patungong Sorsogon, Sorsogon, kung saan magsisi-mula ang 17-stage, 21-day odyssey, sa susunod na Lunes.

May P4.7 million na premyong nakataya kung saan ang champion ay mananalo ng P1 million at ang individual classification winner ay magbubulsa ng P200,000.

Ang ABS-CBN ang broadcast partner ng Tour Pilipinas sa taong ito sa pamamagitan ng Studio 23, kung saan ipapalabas ang Tour ng live at delayed basis sa kabuuan ng karera.

Show comments