Pinay softnetters humakot ng gold

Nag-uwi ang Philippine Women’s Soft Tennis team sa pamumuno ni top seed Petrona Bantay at nina Josephine ‘Bing’ Payugo, Divine Escala, Belen Dante ng karangalan para sa bansa sa paghakot ng tatlong gintong medalya sa katatapos na 4th Southeast Asian Soft Tennis Federation (SEASTF) Soft Tennis Championships na ginanap sa Senayan Sports Complex, Jakarta, Indonesia noong Marso 25-29, 2004.

Si Bantay na kumalawit ng gintong medalya sa individual single at ang kanyang co-nationals na si Bing Paguyo ay tumangay naman ng tansong medalya sa individual singles event ng women’s division. Sina Divine Escala at Paguyo naman ay nakahablot ng gold sa individual doubles event sa Women’s Class at ang Women’s Team event na kinabibilangan nina Josephine Paguyo, Divine Escala, Petrona Bantay at Belen Dante ay sumungkit ng gold medal.

Si individual single class player Richmond Paguyo naman ay nanalo ng bronze medal sa men’s division. Si Paguyo ay nakipagtambal kay Mauro Ignacio na nakahablot ng bronze medal sa individual doubles event na suportado ng Philippine Sports Commission.

Show comments