^

PSN Palaro

Rookies bibigyang pansin

-
Nakatuon ang pansin ni Tour Pilipinas chairman Bert Lina sa mga rookies ng 2004 Tour Pilipinas ngunit habang pilit na nagpaparamdam ang mga beterano sa event na itinaguyod ng Air21na magiging kagana-pan ng pangarap para sa grassroots-oriented.

Labing-walong rookies ang kasama sa 84-cyclist roster at bagong bagito pa lamang, handa na silang harapin ang mabigat na pagsubok sa multi-stage Tour na magsisimula sa April 15 hanggang May 2.

"The Tour has an objective of drawing the potential and the talented from the countryside and with these rookies in 2004, we are getting there," ani Lina.

Noong una ay pangarap lamang ni Lina na maibalik ang Tour at ngayon ay minamando na nito ang cycling program ng bansa patungo sa interna-tional scene bilang presidente ng PhilCycling.

Sa ikalawang taon ng Tour, binigyang diin ni Tour organizer Lito Alvarez ang pagkakaroon ng Rookie of the Year trophy na may premyong P50,000 cash prize.

Ang mga rookies sa taong ito ay sina Julie Panong, John Ricafort,  Ronnel Hualda, Robert Pagala, Orlie Villanueva, Michael Ramos Jr., Dante Cagas, Noel Rito, Alvin Benosa, Virgilio Quintia Jr., Tomas Martinez, August Benedicto, Baler Ravina, Emil Pablo, Leonar-do Lingas Jr., Elmer Atilano, Jason Garillo at Dante Valdez.

Ikinalat sila sa 12 teams na ipapakilala bukas sa launching at press conference kung saan malalaman din ang mga team sponsors.

Ang 2004 Tour ay kapapalooban ng 17 stages na iikot sa Luzon island. Sa taong ito, ang karera ay dadaan sa eastern side--Cagayan Valley--hanggang sa northern tip kung saan makikita ang Pagudpod.

ALVIN BENOSA

AUGUST BENEDICTO

BALER RAVINA

BERT LINA

CAGAYAN VALLEY

DANTE CAGAS

DANTE VALDEZ

ELMER ATILANO

TOUR

TOUR PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with