^

PSN Palaro

Pinoy jins may pag-asa sa Athen Olympics

-
Posibleng matikman na ng Philippines ang 80-taon nang hinihintay na gintong medalya sa Olympics sa Athens, Greece.

Ito ang palagay ng dalawa sa tatlong taekwondo jins -- Donald Geisler at Mary Antoinette Rivero -- na nakasiguro ng slot sa Athens Olympics

Sinabi ng dalawa na panauhin kahapon sa SCOOP sa Kamayan weekly forum, na ang national squad na kinabibilangan ni Tshomlee Go, ay noong nakaraang taon pa nagsimula ng training para matupad na ang pangarap ng bansa na makakuha ng gold medal.

"I’m ready and except for some minor improvement on my techniques, everything is going on smoothly as far as my preparation is concerned," wika ng 26-anyos na si Geisler, na kakampanya sa ikalawang pagkakataon sa Olympics matapos sumabak sa Sydney.

Ito rin ang palagay ni Rivero, na siyang pinakabata sa tatlong Filipino Olympians sa edad na 16-anyos.

"Kabado siyempre because first time ko sa Olympics. Pero pagdating sa laban, mawawala na ito. Pipilitin nating manalo, not only for myself but for the country," wika ng 5-foot-8 stunner sa public service forum na sponsored ng Triple V Group of Companies at Photokina Marketing.

Sinabi ni Geisler, na tulad ni Rivero ay nag-ambag ng five-gold medal harvest ng Philippines noong nakaraang taon sa Southeast Asian Games, na may special mission ito sa kanyang biyahe sa Athens.

Sinang-ayunan din ni Noel Veneracion, member ng national coaching staff na dumalo sa session, sa kanyang mga players.

ATHENS OLYMPICS

DONALD GEISLER

FILIPINO OLYMPIANS

GEISLER

MARY ANTOINETTE RIVERO

NOEL VENERACION

PHOTOKINA MARKETING

RIVERO

SINABI

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with