Wag pagsabayin sina TJ at Hans
March 31, 2004 | 12:00am
Isang mama na kilala sa basketball world ang pumunta sa isang building dyan sa Ortigas, Pasig kasama ang isang kaibigan.
Naka-shorts lang siya, naka-rubber shoes, at simpleng-simple lang.
Nung papasok na siya sa lobby ng building, pinigilan siya ng guwardiya at hindi pinapasok.
Dahil simpleng-simple nga naman ang outfit nung mama, akala niyay kung sino lang ito na papasok sa building.
Natawa na lang yung kaibigan nung mama at maya-mayay lumapit ito sa guwardiya at may ibinulong.
Walang kakurap-kurap na pinapasok na yung mama at kaibigan niya at sorry ng sorry ang loko.
Ano ang ibinulong nung kaibigan sa security guard ng building?
"Alam mo ba kung sino yang hindi mo pinapapasok? Yan ang may-ari ng building at yan ang nagpapa-suweldo sa yo!"
Yun lang.
Ang mama na tinutukoy namin na may-ari ng malaking building sa Ortigas ay isang PBL team owner.
Marami ang nagmamahal sa kanya dahil mabait at simple lang siya.
Ang kanyang team sa PBL eh makailang beses na rin namang nag-champion sa PBL.
Advice lang sa ABC-5 management na may hawak ng PBA coverage: please lang, huwag nyong pagsabayin sa coverage sina TJ Manotoc at Hans Montenegro.
Magaling na anchor si TJ no doubt about it.
Magaling din naman si Hans kahit na bago pa lang siya.
Pero hindi lahat ng magaling eh magaling pa rin kapag pinagsama.
Habang nagku-cover ng laro itong sina Hans at TJ, kung anu-ano ang pinagkukuwentuhan nila sa ere na walang relasyon sa laro.
Dapat silang manood ng NBA coverage para ma-realize nila na kapag nagku-cover ka ng play-by-play for any game, hindi dapat yang kung anu-anong kuwentuhan sa ere na walang relasyon sa takbo ng laro.
But of course bago na naman may magsabi dyan sa mga taga-PBA na nagmamagaling kami, please lang, yan po ay opinyon ko at comment din ng maraming kakilala namin na nanonood ng PBA coverage.
Kung ang direktor ng coverage ng PBA will insist on pairing TJ with Hans, dapat ay pagsabihan sila to stick to the play-by-play. That way, they will come out as better PBA anchors.
Nagkamali nga ba ang management ng Ginebra San Miguel sa pag-alis kay Allan Caidic bilang head coach sa gitna mismo ng conference at pinalitan sya ni Siot Tanquincen?
Si Siot ay dating taga-San Miguel Beer team kaya wala siyang rapport with the Ginebra team na ibinigay sa kanya ng bigla-bigla.
Ngayon, nakaka-tatlong laro na si Siot sa Ginebra at hindi pa rin siya nananalo. Sobra ang pressure kay Siot. Si Allan ay nakaupo pa rin sa bench pero hindi na bilang coach kundi team manager na.
Kitang-kita ang ebidensya na hindi pa nakaka-adjust ang Ginebra team sa style ni Siot.
Ramdam na ramdam na kulang sa intensity at animo ang Ginebra team na dinatnan ni Siot.
Nung mawala si John Moran sa Shell, kitang-kita kung paano nagising ang mga players.
Naging coach nila si Jig Mendoza (na dating assistant coach) at kitang-kita sa laro nila na gusto nilang manalo. Umupo na si Leo Austria bilang bagong head coach at lalo pang nadagdagan ang intensity nila sa laro.
Pero ang Ginebra players, hindi. Bilang isang masugid na tagahanga ng Ginebra, naramdaman namin yan.
Nung Linggo, habang nagra-rally sana ang Ginebra laban sa Shell, hayun ang ilang players nila, nakalugmok sa upuan at hindi man lang nagtsi-cheer o tumatayo to show their intensity kahit na nasa bench sila.
Mas gusto pa rin ba nila si Allan Caidic o hindi lang nila type si Siot bilang pamalit kay Allan?
That remains to be seen.
Naka-shorts lang siya, naka-rubber shoes, at simpleng-simple lang.
Nung papasok na siya sa lobby ng building, pinigilan siya ng guwardiya at hindi pinapasok.
Dahil simpleng-simple nga naman ang outfit nung mama, akala niyay kung sino lang ito na papasok sa building.
Natawa na lang yung kaibigan nung mama at maya-mayay lumapit ito sa guwardiya at may ibinulong.
Walang kakurap-kurap na pinapasok na yung mama at kaibigan niya at sorry ng sorry ang loko.
Ano ang ibinulong nung kaibigan sa security guard ng building?
"Alam mo ba kung sino yang hindi mo pinapapasok? Yan ang may-ari ng building at yan ang nagpapa-suweldo sa yo!"
Yun lang.
Ang mama na tinutukoy namin na may-ari ng malaking building sa Ortigas ay isang PBL team owner.
Marami ang nagmamahal sa kanya dahil mabait at simple lang siya.
Ang kanyang team sa PBL eh makailang beses na rin namang nag-champion sa PBL.
Magaling na anchor si TJ no doubt about it.
Magaling din naman si Hans kahit na bago pa lang siya.
Pero hindi lahat ng magaling eh magaling pa rin kapag pinagsama.
Habang nagku-cover ng laro itong sina Hans at TJ, kung anu-ano ang pinagkukuwentuhan nila sa ere na walang relasyon sa laro.
Dapat silang manood ng NBA coverage para ma-realize nila na kapag nagku-cover ka ng play-by-play for any game, hindi dapat yang kung anu-anong kuwentuhan sa ere na walang relasyon sa takbo ng laro.
But of course bago na naman may magsabi dyan sa mga taga-PBA na nagmamagaling kami, please lang, yan po ay opinyon ko at comment din ng maraming kakilala namin na nanonood ng PBA coverage.
Kung ang direktor ng coverage ng PBA will insist on pairing TJ with Hans, dapat ay pagsabihan sila to stick to the play-by-play. That way, they will come out as better PBA anchors.
Si Siot ay dating taga-San Miguel Beer team kaya wala siyang rapport with the Ginebra team na ibinigay sa kanya ng bigla-bigla.
Ngayon, nakaka-tatlong laro na si Siot sa Ginebra at hindi pa rin siya nananalo. Sobra ang pressure kay Siot. Si Allan ay nakaupo pa rin sa bench pero hindi na bilang coach kundi team manager na.
Kitang-kita ang ebidensya na hindi pa nakaka-adjust ang Ginebra team sa style ni Siot.
Ramdam na ramdam na kulang sa intensity at animo ang Ginebra team na dinatnan ni Siot.
Nung mawala si John Moran sa Shell, kitang-kita kung paano nagising ang mga players.
Naging coach nila si Jig Mendoza (na dating assistant coach) at kitang-kita sa laro nila na gusto nilang manalo. Umupo na si Leo Austria bilang bagong head coach at lalo pang nadagdagan ang intensity nila sa laro.
Pero ang Ginebra players, hindi. Bilang isang masugid na tagahanga ng Ginebra, naramdaman namin yan.
Nung Linggo, habang nagra-rally sana ang Ginebra laban sa Shell, hayun ang ilang players nila, nakalugmok sa upuan at hindi man lang nagtsi-cheer o tumatayo to show their intensity kahit na nasa bench sila.
Mas gusto pa rin ba nila si Allan Caidic o hindi lang nila type si Siot bilang pamalit kay Allan?
That remains to be seen.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended