GM Antonio bumandera sa host Tagaytay vs Dubai
March 28, 2004 | 12:00am
TAGAYTAY -- Binanderahan ni Grandmaster Joey Antonio ang host Tagaytay City tungo sa 4-0 pagwawalis sa Dubai na nagbigay-daan sa 4-way tie para sa inaasintang Dubai Cup sa 14th Asian Cities Chess Championships sa Tagaytay International Convention Center dito.
Kapwa nagka-problema na sa oras ang mga players, napuwersa ni Antonio si Faisal Alsharhan na mag-blunder sa 50th move ng Caro Kann Defense Advance Variation na nagbigay sa host ng decisive 4th point upang makahabol sa Guangzhou ng China, at 7th round solo lider na Mandaluyong sa unahan.
"Parehong ubos na yong oras namin kaya madalian na. Doon nagkamali ang kalaban sa Qb4." anang 40 anyos na Army Corporal at 6-time national champion, habang iminumuwestra ang posisyon kung saan na-check nang queen na black ang puting knight sa pagtatangka ni Alshar-han na protektahan ang kanyang walang bantay na hari.
Una rito, nanaig si GM Eugene Torre sa board 1 nang hindi man lang nag-angat ng piyesa nang hindi sumipot ang kalabang si Mohammed Ben Hafed.
Magaan ding iginupo nina IMs Ronald Dableo at Jason Gonzales sina Fide Master Nabil Saleh at Saeed Ishaq sa board 1 at 2 ayon sa pagkakasunod.
Nakipag-draw naman ang Guangzhou sa defending champion Pavlodar 2-all habang patuloy ang pakikihati ng Mandaluyong sa liderato bagamat lumasap ito ng 1.5-2.5 kabiguan sa giant-killer Pasay City.
Lahat ng tatlong teams ay nakapasok sa final round na may mag-kakatulad na 21 points bawat isa sa event na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines at Tagaytay City government.
At naghahabol naman ang Pasay City na may 20.5 puntos sa torneong suportado ng Department of Interior and Local Government, Department of Tourism, Philippine Sports Commission, League of Cities of the Philippines, STI, Active Chess Center of Asia, Character Convention at Tagaytay Haven Hotels.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended