^

PSN Palaro

3 legs na lang sa 3A's Grand Prix

-
Bagong pagsasaayos ang pinal na para sa Asian Athletics Grand Prix na inorganisa ng Asian Athletics Association na pinamumunuan ni Shri Suresh Kalmadi ngayong season.

Sa fax copy na ipinadala sa Philippine Track and Field Association kahapon, sinabi ni AAA secretary-treasurer Maurice Nicholas na tatlo lamang at hindi apat na yugto ang itatanghal ngayong taon.

Napanatili ng AAA ang mga yugto sa Songkla, Thailand (Hunyo 23), Colombo, Sri Lanka (Hunyo 27) at Manila, Philippines (Hulyo 1).

Labing-anim na events 8 sa men’s at women’s--ang paglalabanan. Ito ay ang 100M, 200M, 400M at 1,500M, high jump, triple jump, shot put, at discuss throw para sa kalalakihan. Para naman sa kaba-baihan, 100M, 200M, 400M, 1,500M at 100M hurdles, long jump, shot put, at discuss throw.

Ang mga premyo ay: 1st prize-US$ 2,000, 2nd prize US$1,000, 3rd prize-US$500 at 4th prize US$200. Sinabi ni Nicholas na ang mga prize money ay igagawad lamang sa atletang lumahok sa tatlong kompetisyon.

"This is good because our athletes have to really perform better if they want to win any of the cash incentives," ani PATAFA president Go

ASIAN ATHLETICS ASSOCIATION

ASIAN ATHLETICS GRAND PRIX

HULYO

HUNYO

LABING

MAURICE NICHOLAS

PHILIPPINE TRACK AND FIELD ASSOCIATION

SHRI SURESH KALMADI

SRI LANKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with