Pressure, Para lang Sa Gulong
March 25, 2004 | 12:00am
"Pressure? Thats for tires."
Iyan ang patawang binitawang salita ni Charles Barkley nang minsay tanunging siya kung nararamdaman niya iyon. Pararangalan si Sir Charles ng Phoenix Suns ngayong linggong ito.
Dito sa atin, nararamdaman na ng mga koponan sa PBA ang mahigpit na pangangailangan sa Fiesta Conference. Maraming player ang nawalan ng trabaho. Mahigit kalahati ng mga import ay pinauwi na. Dalawang coach na ang pinalitan. Nakakatakot, di ba?
Bakit nga ba nagkakaganoon? Isa na sigurong dahilan ay ayaw ng mga teams na mapahiya. Maraming paghihirap ang dinaanan ng liga noong 2003. Humataw ang mga mambabatas sa pagpapapansin, at ginatungan ang PBA sa mga isyu hinggil sa mga Fil-Am, ipinagbabawal na gamot at iba pa.
Mahirap na rin ang buhay ngayon. Mas nabibigatan ang mga mamamayan sa presyo ng pamasahe, tiket at pagkain na kanilang gagastusin sa pagpapanood ng laro.
Marami na ring katapat ang PBA. Noong 1989, naitala nito ang pinakamataas na TV rating sa kanyang kasaysayan. Subalit noon, wala pang VCD, DVD at MP3. Hindi pa ganoon kalawak ang nasasakupan ng cable. Kakaunti pa lamang ang mga kalaban. Di pa sikat ang HBO, Nickelodeon, MTV, Discovery, at iba pang kalaban.
Tila mas malaki ang ginagastos ng PBA para sa mas maliit na bahagi ng mga manonood. Marami na itong kahati.
Ang lahat ng iyan ay dahilan kung bakit mas mahirap tanggapin ng mga koponan ng PBA ang pagkatalo. Mas mabilis ang buwelta.
Nililigawan ng liga ang isang bagong henerasyon ng mga manonood.
Karamihan ng ating mga manonood ay mga kabataan, mainipin, sanay sa mga music video na walang tigil sa pagpapalit ng pagpapapalit. Kumpara sa 1989, ilang milyong TV ngayon ang may remote control? Ilang saglit lang, madaling palitan ang channel.
Malaking hamon, di ba?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended