May papalitan na namang head coach
March 24, 2004 | 12:00am
Hayan na nga ba ang sinasabi ko.
May napalitan na namang head coach tulad nung sinasabi ko sa inyo a few issues ago.
At sa maniwala kayot sa hindi, may isa pang bubulaga sa atin soon.
Dahil uso ang palitan ngayon ng coach, makiki-uso na rin ang isa pang PBA team.
Hinihintay lang ang performance ng team for the next few games. Kapag hindi nagbago, tiyak na matsu-tsugi na rin siya.
At huwag nyong sabihing di ko sinabi sa inyo ha...
Biglang-bigla, nagpapalabas ng releases ang PBA patungkol sa mga players na nali-link sa mga sexy actresses.
Na kesyo sina Menk, Caguioa, Alapag, Allado, at Hatfield ay may mga ka-relasyong mga showbiz celebrities.
Bakit biglang ito ang thrust?
Bakit nga kaya?
Isang sikat na Fil-am ang sa palagay ng mga close friends niya eh mukhang napapariwara ang nightlife mula ng ma-link siya sa isang aktres.
Medyo natuto na raw itong maglalabas sa gabi.
Dati rati nga naman eh diretso na sa bahay ang player na ito pagkatapos ng laro o practice. Pero ngayon, nadadalas na ang paglabas niya sa gabi kasama ang kanyang bagong "labs".
Malakas daw ang impluwensiya ng aktres kay player.
Kaya naman yung mga nakapaligid sa kanya eh nagseselos na.
At nagtataka na rin sa malaking ipinagbabago ni player patungkol sa kanyang lifestyle.
Tsk-tsk-tsk...
Malapit nang mamili ang isang team-- ang kanilang franchise player o si coach!
Kailangan na nilang mamili ng isa sa dalawang ito kung sino ang dapat manatili sa team.
Obvious na obvious na magpahanggang ngayon, di pa rin natatapos ang hidwaan ng dalawang ito.
Na patuloy pa rin ang kanilang internal differences na hindi lang nakikita ng publiko sa tv o sa Big Dome.
Last year pa nag-umpisa ang hidwaan ng dalawang ito pero hinahayaan lang ng management in the hope na mare-remedyuhan ito.
Pero sa tinatakbo ng team ngayong conference, halatang hindi pa nga ito nareremedyuhan.
Saan ka nga naman nakakita ng isang team na may malaking hidwaan ang coach at ang kanilang star player?
Sa team lang na ito.
Ngayon, alam na ng management na dapat na silang kumilos dahil kung hindi, mangungulelat lang sila at masasayang lang ang milyong-milyong piso na ginagastos nila sa team. Mamimili na sila at isa lang ang dapat matira.
Sino kaya ang aalisin na nila-- si coach o si star player.
Malalaman natin sa mga susunod na araw.
Personal: happy happy birthday today to our good friends Mayor Jonjon Villanueva of Bocaue, Bulacan, at happy birthday na rin kay Dory Magno, ang president ng Boybits and Friends club.
May napalitan na namang head coach tulad nung sinasabi ko sa inyo a few issues ago.
At sa maniwala kayot sa hindi, may isa pang bubulaga sa atin soon.
Dahil uso ang palitan ngayon ng coach, makiki-uso na rin ang isa pang PBA team.
Hinihintay lang ang performance ng team for the next few games. Kapag hindi nagbago, tiyak na matsu-tsugi na rin siya.
At huwag nyong sabihing di ko sinabi sa inyo ha...
Na kesyo sina Menk, Caguioa, Alapag, Allado, at Hatfield ay may mga ka-relasyong mga showbiz celebrities.
Bakit biglang ito ang thrust?
Bakit nga kaya?
Medyo natuto na raw itong maglalabas sa gabi.
Dati rati nga naman eh diretso na sa bahay ang player na ito pagkatapos ng laro o practice. Pero ngayon, nadadalas na ang paglabas niya sa gabi kasama ang kanyang bagong "labs".
Malakas daw ang impluwensiya ng aktres kay player.
Kaya naman yung mga nakapaligid sa kanya eh nagseselos na.
At nagtataka na rin sa malaking ipinagbabago ni player patungkol sa kanyang lifestyle.
Tsk-tsk-tsk...
Kailangan na nilang mamili ng isa sa dalawang ito kung sino ang dapat manatili sa team.
Obvious na obvious na magpahanggang ngayon, di pa rin natatapos ang hidwaan ng dalawang ito.
Na patuloy pa rin ang kanilang internal differences na hindi lang nakikita ng publiko sa tv o sa Big Dome.
Last year pa nag-umpisa ang hidwaan ng dalawang ito pero hinahayaan lang ng management in the hope na mare-remedyuhan ito.
Pero sa tinatakbo ng team ngayong conference, halatang hindi pa nga ito nareremedyuhan.
Saan ka nga naman nakakita ng isang team na may malaking hidwaan ang coach at ang kanilang star player?
Sa team lang na ito.
Ngayon, alam na ng management na dapat na silang kumilos dahil kung hindi, mangungulelat lang sila at masasayang lang ang milyong-milyong piso na ginagastos nila sa team. Mamimili na sila at isa lang ang dapat matira.
Sino kaya ang aalisin na nila-- si coach o si star player.
Malalaman natin sa mga susunod na araw.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am