^

PSN Palaro

Kanong coach ng Shell,sinibak

-
Anim na laro pa lamang na nasa pamamatnubay ni John Moran ang Shell, subalit para sa pamunuan ng koponan sapat na ito upang sabihin nilang palpak ang Amerikanong coach.

At upang maisalba pa ang naghihingalong kampanya sa ginaganap na 2004 Philippine Basketball Association Gran Matador Fiesta Conference, nagdesisyon na kahapon ang Turbo Chargers management na sibakin ang kontrobersyal na si Moran.

Unang lumikha ng ingay matapos na i-protesta ng Basketball Coaches Asso-ciation of the Philippines ang kanyang pag-upo bilang head coach, na sinundan ginawa niyang pagbangko sa top draft pick na si Rich Alvarez sa opening game ng liga noong Pebrero 22, si Moran ay nagawa lamang bigyan ang Shell ng iisang panalo sa kabila ng mataas na ekspektasyon sa kanya.

"He (Moran) failed to fulfill the expectation of Shell management," wika ni Turbo Chargers assistant team manager Vicky Araneta. "We feel that we could have won against FedEx but we were outcoached in that game."

Sa naturang laban kontra sa Express, ang Shell ay mistulang patungo na sa panalo nang umabante ito ng 10 puntos sa pamamagitan ng eksplosyon ng sophomore guard na si Ronald Tubid.

Subalit sa hindi malamang dahilan, si Tubid, na tumapos na may 18 puntos, ay inilabas ni Moran may apat na minuto ang natitira sa regulasyon at hindi na muling ipinasok pa, maging sa overtime kung saan inungusan sila ng FedEx para sa 120-116 panalo.

Ang assistant coach na si Jig Mendoza ang pansamantalang ipinalit sa posisyon ni Moran hanggang hindi pa nakakahanap ng permanenteng coach ang koponan.

AMERIKANONG

BASKETBALL COACHES ASSO

JIG MENDOZA

JOHN MORAN

MORAN

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION GRAN MATADOR FIESTA CONFERENCE

RICH ALVAREZ

RONALD TUBID

TURBO CHARGERS

VICKY ARANETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with