^

PSN Palaro

Talk N Text taob sa Alaska

-
Nahuli ng Alaska ang Talk N Text sa isa sa pinakamasamang laro nito upang mairehistro ang kanilang ikaapat na sunod na panalo, ang 90-73 demolisyon, kahapon sa 2004 Philippine Basketball Association Gran Matador Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.

Tumikada ang 2003 top draft pick na si Mike Cortez ng 20 puntos para trangkuhan ang balanseng opensiba ng Aces na naiakyat ang rekord sa 5 panalo at isang talo, kalahating laro sa likuran ng nangungunang San Miguel Beer, na habang sinusulat ito ay nakikipaglaban sa Purefoods TJ Hotdogs. Ang Phone Pals ay nahulog sa 4-2.

‘‘It surprised the heck out of me. I don’t know what to say,’’ anang winning mentor na si Tim Cone. ‘‘We played outstanding defense and they did not make lots of shots and that kind of deflated their team and lift us up.’’

Matapos makipaggitgitan sa unang yugto ang Aces, sa pangunguna ng 8 puntos ni Don Allado, ay umabante sa 49-40 pagpasok ng intermisyon.

Ang kalamangan ay kanilang pinalawig sa 16 puntos pagkaraan ng 3 kanto at sa pamamagitan nina Cortez, Brandon Cablay at Ali Peek, rumatsada pa ang tropa ni Cone tungo sa 85-62 bentahe may 3:27 ang nalalabi at mula dito ay di na ito lumingon pa.

Kumana naman si Randy Holcomb ng 30 puntos, 15 rebounds, at 5 assists, habang si Asi Taulava ay may 14 puntos at 11 rebounds para sa Phone Pals, na ang 73 puntos ay tumabla sa conference-low na unang naitala ng Coca-Cola noong Huwebes kontra sa Beermen. (Ian Brion)

ALI PEEK

ANG PHONE PALS

ARANETA COLISEUM

ASI TAULAVA

BRANDON CABLAY

DON ALLADO

IAN BRION

MIKE CORTEZ

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION GRAN MATADOR FIESTA CONFERENCE

PHONE PALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with