Dubai Cup: Pigaan ng utak simula na

TAGAYTAY--Mapapasabak na ng pigaan ng utak ang apat na local teams kontra sa 15 dayuhang koponan para sa prestihiyosong Dubai Cup na nakatakdang sumulong ngayon sa Tagaytay International Convention Center dito.

Babanderahan ng host city, Mandaluyong, Pasay at Tanauan ang bandila ng bansa sa isang linggong nine round tournament na ito na magkatulong na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines at ng Tagaytay City government sa pangunguna ni Mayor Francis N. Tolentino.

Inaasahang mahigpit na paborito ang host team dahil sa pagkampanya nina Grandmasters Eugene Torre, Joey Antonio, Bong Villamayor at International Master Ronald Dableo, ang reigning Asian Zonal champion. Si International Master Jayson Gonzales ang siyang kukumpleto sa five-man team.

Ang isa pang local team na dapat bantayan ay ang Mandaluyong na pangungunahan naman ni International Master Mark Paragua, ang triple gold medalist sa 22nd Vietnam Southeast Asian Games na susuportahan naman ng kap-wa niya IMs na sina Nelson Mariano, Ildefonso Datu at Richard Bitoon at National Master Rolly Martinez.

Ang Pasay team ay bubuuin naman nina IMs Barlo Nadera, NM Teodulfo Nones, Efren Arguelles, Jennifer Mayor at Gabriel Leyesa sa chessfest na ito na suportado ng Philippine Sports Commission, Department of Tourism, Department of Interior and Local Government, City of Manila, Manila Sports Council, Philippine Olympic Committee at System Technology Institute.

Inaasahang magiging tinik ng local teams ang defending champion na Pavlodar ng Kazakhstan na tatampukan ng super GM Pavel Kotsur na siyang pinamakainit upang mapanatili ang pagkakahawak ng Dubai Cup, ang pinaghalong ginto at pilak na tropeo na unang ipinagkaloob sa United Arab Emirates City nang ang nasabing tournament ay idinaos noong 1996.

Ang iba pang kalahok na koponan ay ang Sydney (Australia), Bandar Seri Begawan (Brunei), Guangzhou (China), Hong Kong, Ho Chi Minh (Viet-nam), Kanchipuram (India), Jakarta (Indonesia), Tehran (Iran), Macau, Kuala Lumpur (Malaysia), Doha Qatar, Dubai at Sana’a (Yemen).

Ang naturang event ay gagamitan ng nine-round Swiss system kung saan ang top score ng limang manlalaro na kalahok sa bawat round ang siyang bibilangin para sa team, tally.

Show comments