^

PSN Palaro

FedEx umiskor ng panalo sa Shell

-
ANTIPOLO City-- Sa wakas, matapos ang halos isang buwang pagtatangka, naideliber na rin ng FedEx ang matagal na nilang minimithi--ang pambuenamanong panalo--sa ginaganap na 2004 PBA Gran Matador Fiesta Conference.

Umiskor ang bagong dating na import na si Mike Maddox ng 38 puntos kabilang ang 24 sa ikaapat na quarter at sa overtime, habang si Vergel Meneses ay kumana ng 28 para akayin ang Express sa 120-116 paglusot kontrasa Shell kahapon sa Ynares Center dito.

Ito ang unang panalo ng Express sa limang laro habang ang Turbo Chargers naman ay natamo ang ikatlong sunod na kabiguan at nahulog sa 1-5 ang karta.

Matapos kontrolin ang unang bahagi ng laro, kung saan umabante, sila ng hanggang 12 puntos ang Fedex ay nagulantang sa bigla-ang pag-arangkada ng Shell, na sa pamamagitan nina Ronald Tubid, Rensy Bajar, Chris Calaguio at import Marek Ondera ay nagpakawala ng malaking pagbugso ng puntos.

Subalit sa pangunguna nina Meneses at Maddox naitulak ng Express ang laban sa ekstrang sesyon. (Ulat ni IAN BRION)

vuukle comment

CHRIS CALAGUIO

FEDEX

GRAN MATADOR FIESTA CONFERENCE

MAREK ONDERA

MIKE MADDOX

RENSY BAJAR

RONALD TUBID

TURBO CHARGERS

VERGEL MENESES

YNARES CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with