Dubai Cup: Asian Cities Chess Team Championship sa Tagaytay
March 20, 2004 | 12:00am
Susulong ang Asian Cities Chess Team Championship para sa Dubai Cup sa alas-3 ng hapon sa Linggo sa Tagaytay International Convention Center sa Tagaytay City kung saan 19 teams ang magpapakita ng aksiyon sa international event na ito.
Tampok na panauhin bukas sa opening ceremonies sina Philippine Sports Com-mission (PSC) Chairman Eric Buhain, Tagaytay City Mayor Francis N. Tolentino, World Chess Federation Honorary President Florencio Campo-manes at National Chess Federation Board members sa pangunguna ni NCFP Chairman Andres Gatmaitan at President Mat Defensor, City Mayors at Ambassadors.
Ayon kay Project Director Castro Abundo na ang Philippines ay kakatawanin ng apat na koponan at itoy ang Tagaytay, Pasay, Mandaluyong at Tanauan sa 9-round Swiss system event.
Ang Tagaytay ay binubuo nina GMs Eugene Torre, Joey Antonio at Bong Villamayor at IMs Ronald Dableo at Jayson Gonzales kung saan ang team captain ay si Cris Mangulabnan.
Babandera naman sa Mandaluyong team sina IMs Mark Paragua, Nelson Mariano, Ildefonso Datu at Richard Bitoon at NM Rolly Martinez na ang team captain ay si Yves Ranola, habang ang Pasay City ay pangungunahan naman nina IM Barlo Nadera, NM Emmanuel Senador, Jerome Balico, Rodolfo Panopio at Oliver Dimakiling na ang team captain ay si Louie Polistico.
Ang Tanauan team ay binubuo naman nina IM Fernie Donguines, NM Teodulfo Nones, Efren Arguelles, Jennifer Mayor at Gabriel Layesa na ang team captain ay si Chito Lai.
Nakatakdang dumating ngayong araw ang mga koponan na pangungunahan ng defending champion na Pavlodar City team ng Kazakhstan, ngunit inaasahang makakasagupa ito ng mahigpit na laban mula sa Guangzhou (China) at Jakarta (Indonesia).
Ang iba pang team na kalahok ay ang Sydney (Australia), Bandar Seribe-gawan (Brunei), Hong Kong, Kanchipuram (India), Sama-rinda (Indonesia), Teheran (Iran), Doha (Qatar), Dubai (United Arab Emirates), Ho Chi Minh (Vietnam), Macau, Kuala Lumpur (Malaysia) at Sanaa (Yemen).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am