PSN dribbler kampeon, Abante umatras
March 18, 2004 | 12:00am
Tinalupan ng Pilipino Star Ngayon, sister company ng The Philippine STAR ang Abante Tonite sa larong tinampukan ng pagwo-walkout ng huli upang kumpletuhin ang 12-game sweep sa 1st Media Sports Club basketball championship sa Knights of Columbus Gym sa Intramuros, Ma-nila kahapon.
Abante ang STAR-men, na sumibak sa Phi-lippine Daily Inquirer sa semifinals upang makasungkit ng upuan sa finals sa 66-44 patungong 1:45 minuto ng third period nang magsimulang mag-alburuto ang Abante Tonite dribblers na kinalaunan ay nag-walkout ang naging daan upang ipagkaloob sa PSN-dribblers ang korona.
Pinangunahan nina Vir Roque at Mario Geocada ang PSN na sinuportahan ng mga empleyado sa pangunguna ng The STAR president na si Miguel Belmonte sa impresibong pagtatapos nang puminta ng 14 at 10 puntos, ayon sa pagkaka-sunod, ngunit ang beteranong si Non Alquitran ang siyang nagsubi ng Most Valuable Player trophy.
At dahil sa batid niya na siya na ang tatanghaling MVP ng liga, ra-dam ni Alquitran, nagtala ng 17.5 points, 7.5 rebounds, 2.3 assists at steal sa laro ang pressure nang sumablay ang kanyang unang limang tira.
Gayunman, agad ding nakabawi si Alquitran nang kumana ito ng dalawang sunod na basket.
Sina Roque at Geocada ay bahagi rin ng First Mythical Team na kinabi-bilangan nina Jim Guiao Punzalan ng Inquirer at Alfredo Bayog ng Abante Tonite na siyang nanguna naman sa Abante sa kanyang itinalang 16 puntos.
Nagpakitang gilas rin si Joey Viduya na nagsalpak ng dalawang triples para iposte ang walong puntos na output para makasuporta sa koponan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest