^

PSN Palaro

Reyes naghasik ng mahika sa Vietnam

-
Muling nagpamalas ng lakas si Pinoy cue master Efren ‘Bata’ Reyes na kinapitan pa ng suwerte matapos itala ang 11-9 panalo kontra kay Chao Fong Pang ng Chinese Taipei sa finals ng Vietnam leg ng San Miguel Asian 9-Ball Tour sa Nguyen Du Sports Hall sa Ho Chi Minh City.

Matapos maiwan sa 9-5 iskor sa 14th rack bumangon ang ‘The Magician’ nang aksidenteng pumasok ang cue ball ni Chao sa break, at mula dito ay hindi na bumitiw pa ang Pinoy makaraang gamitan ng mahika ang laban na kinabitan pa ng suwerte.

‘Akala ko, talo na ako. Pero sinusuwerte pa rin talaga tayo. Simula ng sumama ang break n’ya, gumanda naman ang laro ko," ani Bata.

Totoong nasa panig ni Reyes ang suwerte nang isang magandang break ang pumanig kay Reyes sa 18th frame na naging daan para maitabla ang iskor sa 9-9 at magmula dito ay hindi na muling lumingon pa.

"Doble ang saya ko. Kasi, it’s the first time I beat him. Dalawang beses na niya akong tinalo sa Japan," dagdag pa ni Reyes.

Ang panalo ay nagbigay kay Reyes ng halagang US$10,000 premyo at qualifying points para sa World Pool Championships na nakatakda sa July.

Ito rin ang ikalawang sunod na leg win ni Reyes matapos sungkitin ang Singapore leg may dalawang linggo pa lamang ang nakakalipas makaraang daigin ang kababayang si Warren Kiamco, 11-4 sa all-Pinoy finals.

Mula sa Vietnam, magtutungo naman sa Hong Kong ang San Miguel Asian 9-Ball Tour sa Abril 17-18 at susunod naman sa Taipei sa Mayo 7-9 bago tapusin ito sa Manila sa Mayo 29-30.

Ang naturang tour ay may patnubay ng Asian Pocket Billiard Union, at inorganisa ng ESPN Star Sport’s at Event Management Group (EMG).

ASIAN POCKET BILLIARD UNION

BALL TOUR

BATA

CHAO FONG PANG

CHINESE TAIPEI

EVENT MANAGEMENT GROUP

HO CHI MINH CITY

PINOY

REYES

SAN MIGUEL ASIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with