^

PSN Palaro

Vita iniluklok sa Hall of Fame

-
Gaya ng inaasahan, sinandalan ng beteranong si Johnson Vita ang kanyang dating porma upang igupo ang paboritong si Benedict Baay, 5-2 kahapon sa "Search for Tanduay the No. 1 Billiards Player" sa Robinson’s Malls.

Kinubra ng 51-anyos na si Vita, tubong Nagcarlan, Laguna, ang kanyang ikawalong panalo sa event na ito na sponsored ng Tanduay the No. 1 Rhum, Robinson’s Malls, Accel, Hope The Luxury Cigarrettes at Rommel’s Billiards --ang official na lamesa at siya ay iluluklok na rin sa Hall of Fame --ang ikalawang manlalaro na nakagawa ng nasabing tagumpay matapos si Antonio "Gaga" Gabica noong nakaraang Disyembre.

Ang panalo ay nagdala rin kay Vita sa ‘Battle of Champions’ na hatid rin ng Tanduay sa huling bahagi ng taong ito.

Kinontrol ni Vita ang tempo ng laro mula sa umpisa nang kanyang kunin ang 3-1 bentahe sa unang apat na racks.

Sinikap ni Baay na manatiling nakadikit nang siya naman ang sumungkit ng ikalimang rack.

Ngunit nagawang maibalik ni Vita ang kanyang composure at hindi na niya binigyan pa ng tsansa ang kanyang kalaban na makabalik pa nang walisin ang sumunod na dalawang racks tungo sa kanyang panalo.

BAAY

BATTLE OF CHAMPIONS

BENEDICT BAAY

BILLIARDS PLAYER

DISYEMBRE

GABICA

HALL OF FAME

HOPE THE LUXURY CIGARRETTES

JOHNSON VITA

TANDUAY THE NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with