^

PSN Palaro

Reyes nag-iisang Pinoy na naiwan sa kontensiyon

-
Nag-iisang Pinoy na lamang na nasa kontensiyon si Efren ‘Bata’ Reyes patungo sa quarterfinals ng San Miguel Asian 9-Ball Tour sa Nguyen Du Sports Hall sa Ho Chi Minh City.

Si Reyes na kuma-kampanya sa kanyang ikatlong sunod na Asian 9-Ball leg ay madaling dinispatsa si Mana Uphraphai ng Thailand, 9-1.

Umusad ito sa round of 16 kung saan ginapi naman niya si Po-Cheng Kuo ng Chinese Taipei, 9-6 sa mahigpitang laban kung saan ginamit ni Re-yes ang kanyang karana-san at abilidad na magpakita ng mahika nang kinailangan habang isa-isang pinatatalsik ang kanyang mga kababayan.

Pansamantalang isinantabi ng kaibigang matalik na si Francisco ‘Django’ Bustamante ang kanyang kabiguan kay Alok Kumar sa unang yugto sa Singapore, makaraang pabagsakin ang Taiwanese na si Chen Huang Wu, 9-4, ngunit kakabit pa rin ang kabiguan makaarang patalsikin ito ng di-kilalang Thai player na si Chatchawal Ruthpae, 9-4.

Nakalusot naman si Warren Kiamco, runner up ni Reyes sa Singapore, kay Manan Chandra ng India, 9-7, hindi kay 2000 World Pool champion Fong Pang Chao para sa 7-9 kabiguan.

Ang ikaapat na Pinoy na minalas ay si Asian Games gold medalist Lee Van Corteza na yumuko sa klasikong star sa Busan Asian Games at quarterfinalist sa 2003 World Pool na si Hsia Hui Kai, 9-4.

ALOK KUMAR

ASIAN GAMES

BALL TOUR

BUSAN ASIAN GAMES

CHATCHAWAL RUTHPAE

CHEN HUANG WU

CHINESE TAIPEI

FONG PANG CHAO

HO CHI MINH CITY

HSIA HUI KAI

WORLD POOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with