Express nalasing sa Kings

Matapos mabaon sa unang bahagi ng labanan, umahon ang Ginebra na magiting na nakipaglaban sa ikaapat na quarter upang hatakin ang 102-93 panalo laban sa FedEx Express sa ikalawang out-of-town game ng PBA Gran Matador Fiesta Conference sa Balanga People’s Center sa Ba-taan kagabi.

Gumamit ang Ginebra ng 11-4 produksiyon kung saan may apat na puntos si Eric Menk para kunin ang 93-87 bentahe papa-sok sa huling 54.9 segun-do ng labanan.

Tuluyang nadiskaril ang FedEx nang mag-mintis ang ikalawang triple attempt ni Renren Ritualo at buhat doon ay nakon-trol na ng Ginebra ang laban.

Katabla na nila ngayon ang dating leader na Talk N Text sa 3-1 kartada sa likod ng nangungunang San Miguel na may 3-0 record habang lalo na-mang nabaon ang Ex-press sa 0-3 kartada.

Tumapos si Menk ng 25-puntos at 18 rebounds kasunod si Caguioa na may 22 para sa magan-dang pagsalubong sa kanilang bagong import na si George Reese na kumamada naman ng 20-puntos at 14 rebounds.

Huling lumamang ang FedEx sa 79-75 matapos ang magkasunod na basket nina John Ferriols at Vergel Meneses, 7:06 pa ang oras sa laro ngunit ito na ang kanilang huling oposisyon.

Matapos mabaon ng 11-puntos, naging pala-ban ang Ginebra sa ikat-long quarter na luma-mang sa boards, 19-9 para sa 11-4 bentahe sa second chance points.

Sa yugtong ito, naga-wang itabla ng Ginebra ang iskor sa 57-all mata-pos ang three-point play ni Romel Adducul, 6:49 ang oras sa ikatlong quar-ter na natapos sa 68-all.

Sa tulong ni import Alvin Jefferson, hinawa-kan ng FedEx ang 11-puntos na kalamangan, 33-22 bunga ng kanilang inside scoring.

Mula sa 22 pagtatabla ng score nanahimik ang kampo ng Ginebra hang-gang sa gisingin ni Eric Menk ang kanyang mga kasamahan sa pamama-gitan ng kanyang basket, 7:26 ang oras sa laro para sa kanyang 16-puntos na produksiyon pagkatapos ng first half.

Nangangapa pa ang bagitong import ng Gi-nebra na si Reese, pu-malit kay import Roselle Ellis, kaya mayroon la-mang itong apat na pun-tos matapos ang unang dalawang quarters.

Ginebra 102-- Menk 25, Caguioa 22, Reese 20, Adducul 14, Seigle 8, Santos 7, Helterbrand 5, Valenzuela 1, David 0, Noble 0, Salvacion 0.

FedEx 93 -- Meneses 19, Jefferson 18, Arbole-da 17, Ritualo 12, Ferriols 9, Yap 8, Pingris 3, De Ocampo 3, Gonzales 2, Bernardo 2, Billiones 0, Rodriguez 0.

Quarterscores: 22-22; 37-48; 68-68; 102-93.

Show comments