^

PSN Palaro

BUHAY ANG PINAGLALABANAN

GAME NA! - Bill Velasco -
Iba na ang pinaglalaban ni Jon Jon Tabique. Mama-malas sa kanya ang mga pagkakaiba sa pangangatawan. Lumiit siya, at wala nang buhok.

Ang dahilan: itong point guard ng UP Fighting Maroons ay may cancer.

"Ang lakas makapanlambot ng chemotherapy," paliwanag niya. "Nakaka-depress pati. Tulad ngayon, di ako makapaglaro. Saka sa family ko, ang laki ng epekto lalo na yung Daddy ko, biglang umuwi kahit di siya pinapayagan."

Nabigla ang lahat nang malamang may cancer of the lymph nodes si Jon Jon.

Nahirapan lalo ang kanyang mga magulang, na nagtratrabaho sa Amerika.

"Minsan, parang ayoko na ngang kausapin yung Mommy ko, e. Kasi nag-iiyakan lang kami. Bakit ako nagkasakit ng ganito? Energetic naman ako. Bihira naman akong magkasakit. Naglalaro ako ng basketbol."

Sa harap ng lahat ng pangamba, tumulong ang UP Maroons.

Nagkaroon ng laro ang SMC All-Stars at Maroons upang makalikom ng salapi para sa pagpapagamot ni Tabique.

Di nakapagpigil ang mga alumni na magsalita, tulad ni Benjie Paras at Ronnie Magsanoc.

Sa lahat ng krisis, may kakampi.

vuukle comment

AMERIKA

BAKIT

BENJIE PARAS

BIHIRA

FIGHTING MAROONS

JON JON

JON JON TABIQUE

KASI

LUMIIT

RONNIE MAGSANOC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with