Ito na yata ang isa sa pinakamagandang na-produce na commercials for TV.
Makikita rito ang mga sports heroes na sina Bea Lucero, Mon Fernandez, Christine Jacob, Lydia de Vega, Monsour del Rosario at marami pang iba.
Kasama pa diyan ang iba pang kabataan na sinasabing sa mga darating na panahon eh siyang magiging next sports heroes ng ating bansa.
Isang bagay na kailangang-kailangan natin sa ating sports.
Matagal-tagal na rin namang wala tayong matatawag na mga sports heroes, except sa mga tulad nina Manny Pacquiao at Efren Bata Reyes.
Napapanahon ang commercial ng Milo considering na papalapit na naman ang napakaraming international sports events.
Magkaisa-isa sana ang ating mga sports leaders in working hard, in unifying themselves, para makapag-pro-duce na tayo muli ng mga bagong bayani sa larangan ng sports.
Binabati namin ang mga production people at think tank ng Milo commercial na ito.
Mabuhay kayong lahat at sanay magsilbi itong inspirasyon para sa iba na gumawa pa ng napapanahon, makabuluhan at magandang TV commercial tulad ng ginawa ninyo.a
Napakasaya at kahit na matindi ang init ng araw, binalewala ito ng sangkaterbang empleyado ng Star para lang magpakitang-gilas hindi para sa perang pa-premyo kundi para sa kasiyahan, kalusugan, at pakikipag-kaibigan, isang pagpapatunay na ang daan-daang empleyado ng Star ay magkaka-pamilya at magkaka-puso.
Itoy sa selebrasyon na rin ng 18th anniversary ng Pilipi-no Star Ngayon.
Kaybilis ng panahon at kaybait ng kapalaran para sa PSN dahil parang kailan lang nung mag-umpisa kaming magsulat dito sa PSN eh ngayoy nakaka-18 years na pala ito sa sirkulasyon at isa sa pinakamabili, kundi siyang pina-kamabiling babasahin sa ngayon.
Naging judge kami sa Best Muse Team at Best Cheering Team kasama sina Gus Abelgas at Jarius Bondoc. Kahit na mainit sa kinalalagyan namin, balewala rin sa aming tatlo dahil kami mismoy enjoy na enjoy rin.
Maging ang Presidente ng PSN na si Mr. Miguel Belmonte ay nakisaya at nakilahok din sa mga games.
Mabuhay ang lahat ng taga-PSN at Philippine Star!