^

PSN Palaro

Alarma sa SEA Games

GAME NA! - Bill Velasco -
Ano na ba ang nangyayari sa Southeast Asian Games, na nakatokang idaos dito sa Pilipinas sa susunod na taon?

Ayon sa nararamdamang kaba ng siyudad ng Maynila, wala pa halos nagagawang hakbang para maayos na isagawa dito ang patimpalak na ito. Saan-saan nga ba gagawin ang mga laro? Saan titira ang mga atleta?

Sino ang magpapakain sa kanila? Paano ang mga atletang Muslim o kaya’y kakaiba ang diet? Kung ang Sydney Olympics ay muntik nang mabitin dahil inabot halos ng apat na taon ang paghahanda, paano pa kaya tayo?

Sa mga nakaraang Southeast Asian Games, karaniwang isilong sa iisang Athletes Village ang mga lahok. Sa nakaraang SEA Games sa Vietnam, hindi ganito ang nangyari, dahil pinaghiwalay ang mga atleta sa tatlong lugar kung saan ginawa ang mga labanan, at dahil isinaayos sila ayon sa kanilang sport.

Paano ang magiging daloy ng trapiko sa mga bayan kung saan gagawin ang mga laro?

Noong Atlanta Olympics, umayaw ang ilang drayber dahil sa tindi ng trabaho, at init ng ulo ng ilang mga media na nahirapang mag-ikot.

Saan ilalagay ang International Press Center at International Broadcast Center? Saan din maninirahan ang libu-libong peryodista at brodkaster na dadagsa sa Maynila?

Paano naman ang mga isponsor?

Sino ang maglalatag ng mga kable ng libong computer na gagamitin upang ihatid ang mga resulta, impormasyon, press release at lahat ng kaalaman habang umaandar na ang SEAG? Sino ang mamamahala sa segu-ridad? Paano ibibigay ang napakaraming ID at accreditation at press passes na kakailanganin?

Higit sa lahat sino ang mananagot sa kahihiyang halos sigurado nang mangyayari dahil hindi tayo handa? Sino ang mga maghuhugas-kamay dahil hindi pala nila kayang gawin ang trabaho nila?

Napakaraming katanungan. Kakaunting panahon.

Di pa ba kayo kinakabahan?

vuukle comment

ATHLETES VILLAGE

INTERNATIONAL BROADCAST CENTER

INTERNATIONAL PRESS CENTER

MAYNILA

NOONG ATLANTA OLYMPICS

PAANO

SAAN

SINO

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with